PORK CHOP-TER 32

1.2K 22 0
                                    

feel ko may something dito kay bakulaw at yabang. 


ah! Alam ko na pareho silang mga lamang lupang nilalang. Tsk. 



"uyy preee! "

"uyy kurt! "

okay? Sa pagkakaalam ko hindi sila in good terms. Pero anyare sa kanila? Parang matagal na silang magkakilala at ngayon na lang ulit nagkita ang masama o mabuti pa doon ay parang magkaibigan silang matalik.


Ako lang ba, imahinasyon ko lang ba o ano ba talaga?



"anong meron po? Kurt and Evan? "


Singit kong tanong, para silang magkashota na ngayon lang nagkita at hindi nakilala ang isa't isa dahil sa tagal ng panahon.


Iyong totoo?


"KILALA MO SIYA?!" makasigaw naman tong Evan yabang na to parang nasa malayo ako eh, lagi talaga akong mabibingi kapag kasama ko to akala mo kung sinong may magandang boses, pasigaaw sigaw pang nalalaman.


"AY HINDI KO PO KILALA! KAYA NGA BINANGGIT KO PANGALAN NIYA EH! COMMON SENSE PLEASE "

bigla naman tinakpan ni Kurt bibig ko kaya tinignan ko siya ng masama.


Oh ano nanamang trip niyong bakulaw na to? akala niya ba mabango kamay niya? kasi kung akala niya, hindi siya nagkakamali. Ang bango talaga ng kamay niya. Sarap kagatin. AISH! erase erase erase.


"Kurt! jajaabbxusbsbhsbsv"


Pero dahil sa inis ko sa bakulaw na ito hindi ko napigilan ang sarili ko na kagatin na talaga. ANO BANG PROBLEMA NITO?


"AHHHHH! bat mo ako kinagat? Aso ka ba? "


Nangagat lang aso agad? Aso lang ba may karapatang mangagat? May ngipin din naman ako ah! Kaya may karapatan din ako mangagat! Bwisit!!!


"eh peste yang kamay mo eh. malinis ba yan? "

Balik koong tanong.


"oo naman! "

"Ehem ehem."


bigla naman kaming napatinggin ni Kurt sa lalaking daig pa si Mike Enriquez.


"tsss iwan na nga natin yang si Ceb, bestfriend!"

Nagulat ako sa sinambit ng yabang na ito. Akalain mo magkatropa sila ni Kurt?


Pero ang pinagtataka ko, nung binanggit at pinakita ko naman itong si Evan kina kurt hindi naman nagreact si Kurt. At kung hindi ako nagkakamali ng iniisip malamang sa malamang ay bbarkada din ito ni Mac. Pero bakit parang wala naman silang nabanggit sa akin?


Ang gulo talaga ng mundo nila.



Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon