PORK CHOP-TER 9 - REVISED

2.7K 47 1
                                    

Isang matinding pagsigaw ang naririnig ko at nakakabwisit na pag-alog nararamdaman. Balita ko nga may kasama pang panlalait e.  

"Gising! Baboy! Gising, aish naman kasi naknang baboy na nga MANTIKA PA SA PAGTULOG" 

Grabe sino ba tong lalaking to at ang ingay ingay? ALAM NIYA BA NA SA PAGTULOG KO LANG ULIT NAKAKAMIT ANG MGA PAGKAIN NA GUSTO KO KAININ ULIT? BEASTMODE NA AKO HA! Kung panaginip man ito handa na ako dalhin siya sa langit!

"Hoy gising! ATEEEE ANEEEEE! IKAW KAYA GUMISING DITO! BWISIT KA TALAGA! "

Nagtawag pa talaga ng kasama, Ane daw? Bahala siya dyan mapuno sana ng an-an ang katawan niya. Pati sa panaginip ko galit mga tao sa akin. Kaya mga pagkain at libro lang pinapayagan ko sa dreamland e.

"HAY NAKO HOY GISING! "

Bahala ka, istorbo ka sa buhay ko. 

"AH AYAW MO GUMISING AH ... "

Oo ayaw ko talagang gumising, peste ka!

Pag ako gumising di na kita madadala sa langit! Asan na ba yun? San ba pinagmulan ng boses na nakakairita?


Third person's POV


Kasabay ng pagkamulat ng mata ni Ceb at ang paguunat niyang malawak ang sakop, ang pagkabigla din nung lalaki. Nagalit pa nga ito sa ginawa ni Ceb.

"ANO BA CEB! KANINA KA PA GINIGISING NI HINDI KA MAN LANG GUMALAW O ANO. TAS NGAYON ... TANG NA! ATE ANE HUMANDA KA SA AKIN! "

Kumamot na lang ng ulo si Ceb dahil hindi naman niya kilala yung lalaking gumising DAW sakanya. Hindi lang gumising, nanlait at sinigawan pa siya at inistorbo ang kanyang pagtulog. Akala niya tuloy nasa panaginip soya totoo pala. Kaya pala hindi niya mahanap hanap ang nagmamay-ari ng boses sa dreamland.

Tinignan lang siya ni Ceb at nagsalita.

"Kuya so----" Magsosorry sana si Ceb, dahil nga kahit inis na inis na rin siya, may pagka anghel pa din siya.

"HUWAG MO AKONG KAUSAPIN AH. NAIINIS AKO TANGNA NAMAN TALAGA!"

Naiinis yung lalaking gumising sakanya dahil na nga tulog mantika si Ceb eh sa halip na si Ceb ang magising at matapunan ng tubig sa tabo ay yung lalaki pa. Oo siya yung natapunan ng tubig na dapat ay kay Ceb pero dahil nag-unat si Ceb ayun nasuntok yung lalagyan at nabasa iyong lalaki.

Ako na nga gumawa ng paraan ako pa nakarma. Tangna lang bwisit. Sa susunod talaga hindi na ako papayag pag may ipapagising si ate. Kababaeng tao eh. Ako pa tuloy itong nabasa. Tangna ...

Lumabas na iyong lalaki nang nagdadabog.

Napakalakas ang pagsara ng pinto nung lalaki. Sobra ang naging impact kay Ceb dahil bagong gising kaya naman napatauo si Ceb sa gulat at ang ending mukha siyang murder crime scene sa sahig.

"AHHHHHHH!!!!!!!!!!!!"

Napasigaw sa sakit at gulat si Ceb. Naapakan niya kasi ang basang sahig kaya naman nagsanhi ito upang madulas siya.

Sa pagsigaw niyang agaw eksena, pati mga katabing kwarto nagising at nakibalita na rin, bumukas muli ang pinto at pumasok yung lalaki.

"Hay nako Ceb. Ang tanga! " sigaw nung gumising sa kanya. Pero agad din namang inabutan siya ng tulong.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon