PORK CHOP-TER 35

1.5K 28 0
                                    

"CEB!!!"


habang naglalakad ako sa corridor ng mahinahon at medyo inis dahil naging alalay pa rin ako ng tatlong ugok bigla na lamang akong nagulantang sa isang pagtawag sa pangalan ko.


"Oh ano meron? makatawag ka naman parang ngayon mo lang ako tatawagin at parang guguho na ang mundo."


kausap ko pa din siya habang naglalakad, inis ako ngayon kaya bakit ako hihinto para sa isang taong di ko naman ganoon kakilala. 


" uyyy wait.. Ceb narinig mo ba sila Kurt at Mac nag-aaway? "



dahil sa sinabi niyang iyon napahinto ako. Si Mac at Kurt? yung magbestfriends? nag-aaway? Joke ba to o ano? Lokohan ganun?



"so?" oo nga naman ano bang paki ko sa kanila. pinahirapan nila ako kaya bakit ako mag-eeffort alamin ang nangyayari sa kanila ngayon?



" anong so? hindi ko alam, tara puntahan natin! "


"wala akong balak na puntahan sila waiiit ano baa!?"



bigla na lamang akong hinila patungo sa kung saan ng hindi man lang ako hinahayaan tapusin ang sasabihin ko. Lapastangan! saglit nga ano na ba nangyayari.


"dalian mo Ceb!"


"ikaw nga tong humihila sa kain edi ikaw ang magmadali. tss"


ano nanaman ba ang gulo na hatid sa akin ng mga ugok?



****


kitang kita ko ang kumpulan ng mga estudyante. Iba din talaga ang hatak sa madla nitong dalawang to eh. Akalain mo sa walang kwentang pag-aaway nila makakakuha sila ng maraming manonood, I am so proud, sarcasm please.



"pwede ba wag kang makialam dito!" tannong ni Kurt.


nakisingit na ako sa crowd since andito naman ako, iga-grab ko na ang opportunity maki intriga sa mga tao. 


"at bakit hindi? may karapatan ka ba? " balik na tanong naman ni Mac.


saan naman nahugot ni Mac ang ganyang aura? Para siyang lalabban kasama ang Katipunan sa sobrang determinado niya. Parang kukunin sa kanya ang Pinas eh.



"eh bat ikaw may karapatan ka din ba? "


Ano ba meron sa tanungan nila at hidni na lamang nila sagutin ng matapos na ito? Hello dapat kasi wlaa ako dito pero heto ako at nasa harap pa mismo, VIP ang peg.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now