PROLOGUE - REVISED

8.6K 162 2
                                    

"Anong tawag sa mga chubby na hindi lang basta chubby kung hindi sobrang chubby?"

Bata: Baboy po?


Baboy. Baboy. Baboy.


Iyang salita na iyan ang gusto sumira ng determinasyon sa buhay ng bida. Kahit gaano pa siya minamahal ng mga taong malapit sa kanya sa oras na marinig niya ang salitang iyan ay nadudurog ang kanyang pusong buo.


Pero hindi maitatanggi na ang sarap ng buhay. Literal na masarap dahil sa mga pagkain na meron sa paligid. Nadudurog man siya ng salita ngunit nabubuo siya muli ng mga pagkain. Ito ang naging inspirasyon niya upang gumising sa araw araw.


Pagkain. Libro. Pagkain. Libro.


Nagtagal siya ng ilang taon sa mundo na purong pang-aalipusta lang ng tao ang natatanggap sa buhay. Hindi lang pagiging baboy ang kanyang nasalo noong umulan sa langit, pati na rin ang ka-nerdy-han!

Mabuti na lamang, isang araw, dumating ang isang taong maganda ang hubog ng katawan. 


"Ano ang tawag sa isang taong maganda ang hubog ng katawan?"

Bata: Sexy po? Macho?


Walang nakakaalam kung ano. Pero isa lang ang sigurado. Itong taong maganda ang hubog ng katawan ay handang tulungan ang bida para maging isang prinsesa.


Isang maganda at sexy na prinsesa.



"Nerdy piggy turns into a sexy... PRINCESS? "

"bago ka tumuntong sa kolehiyo. Dapat sundin mo lahat ng gusto ko. Kailangan mong maging sexy princess. Sila na ang luluhod sayo, mapapanganga at mamamatay sa inggit at paghanga!"




_______________________________________

New story.(Posted- May 1, 2016) Please support until the end. Fast update for this book.

FIRST BOOK WRITTEN. PLEASE DON'T JUDGE THE KAJEJEHAN HEHE. THANKS!


Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now