PORK CHOP-TER 15 - REVISED

2.1K 43 0
                                    

Mac Cael's POV

Huh! Ang lakas ko, iba talaga pag gwapo hindi ka magdadalawang isip na bigyan pa sila ng pagkakataon. 

Isa pa matalino at may sense kasi ang mga sinasabi ko, nyhahahaha.

Moving on. Andito na kami ni Ceb sa mall. Yep, MALL.

"Alam mo Mac, kinakabahan na talaga ako. Paano na lang kung hanapin tayo tas biglang wala pala tayo dun? " sa tingin ko kailangan ko nang sabihin ang sikretong malupit ko baka ma-heart attack etong kasama ko sa sobrang pag-iisip, konsensya ko pa.

"wag ka magugulat ah" tumango naman siya. Wait, hindi akya mas lalo siyang ma-heart atttack sa sasabihin ko? 

Siguro naman hindi.

"Kami kasi may-ari ng school. Kaya huwag ka mag-alala, ako na bahala sa kanina. "

"Ahhh." Iyon lang reaction niya? Di man lang siya nagulat? Naamaze? Or something???  Akala ko pa naman pogi points.

Ay hindi ko na pala kailangan, gwapo na ako eh hahaha.

"Eh bakit hindi mo na lang kinausap si sir kanina? Edi hindi sana tayo humantong sa mall."

oo nga noh? Bat hindi ako kilala nun? Ay aba isusumbong ko siya kay Papa e at isa pa gusto ko kasi masolo si Ceb. Nyahay. Tamang damoves lang.

Isip ka ng palusot mo Mac. 




"Well, kasi nabasag yung salamin mo. Hindi mo makikita yung nasa board. Edi wala ding saysay yung sinusulat ni sir."

"Pero kaya ko naman gamitin ang tenga ko sa pakikinig." 

Leche, bat ko ba kinakalaban ang mas matalino sa akin. Matalino ako, oo, pero masyado siyang matalino.

I just can't. Hays.

"Ah eh ... Kasi nga ang dami ko ng kasalanan sayo kaya ako na ang bahala. Wag ka na makulit alika na at bumili ng bago nating salamin."

Palusot.com, buti na lang nagsearch ako dun kagabi.

"Natin? " ayy oo nga syempre pampadagdag ng talino look kapag nagsalamin daw e. Itatry ko kung effective hehe.

"Ah eh ... Ano medyo malabo na din ang mata ko eh kailangan ko na rin magpasalamin "

Tumango naman siya at tumungo na kami sa EO.











Ceith Esra's POV

Hindi ba cutting ang tawag sa ginagawa namin?

Well bahala na first time nanaman eto. Dumadami na ang listahan ko ng first time moments slash scenarios.

"Hmm ikaw na unang magpacheck Ceb ah!" edi go lang, ako na ang mauna sabi niya e.

"Hindi pa ako nakakapili ng frame eh."

"Ako na bahala."



Pagkapasok ko sa loob, medyo dim yung lights. Kakaiba ito sa dating nakagawian na magbabasa ka lang ng chart ngayon computer na makikita mo.

Pinatay ni doc yung ilaw at nagsimula na kami. Pinasilip niya ako sa machine at nagpakita ng picture ng bahay sa damuhan. Nung una malabo siya tapos biglang luminaw.

Pagkatapos non nagpakita siya ng dalawang box na kulay red at green. Tapos may nakalagay sa loob ng box na iyon at tinanong niya sa akin alin ang mas malinaw. Iyong nasa red ba o nasa green.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Where stories live. Discover now