PORK CHOP-TER 11 - REVISED

2.7K 47 0
                                    

Ceith Esra's POV



Si Kurt ba talaga yun? Hindi talaga ako makapaniwala. Paano niya nagawa iyon sa maikling panahon? Posible ba yun?

Sobrang gumwapo siya at naging maangas. Lalaking lalaki na, hindi na siya yung lalaking mukhang mahina at dambuhala lang. Nakakatuwa naman, sana mangyari din sa akin ang pagbabago na iyon.

OMG magtatayo na ako fansclub ni Kurt! Hahaha as if naman may susuporta sa club ko. Simula nung pagkikita namin iba na talaga effect niya sa akin. Kahit pa hindi ganun kaobvious yung looks niya dahil medyo chubby pa siya. Hays, kaso kahit crush ko man siya at maging next level pa itong feelings ko, sure naman ako na hindi siya magkakagusto sa akin. Hanggang pangarap na lang lahat. Hanggang sulyap na lang. So near yet so far.

Sa buong buhay ko ang papa at kuya ko lang ang lalaking mga naging parte ng buhay ko. Ngayon kasama na si Kurt kaso malayong mangyari na maging parte ako ng buhay niya. Hanggang "asa" na lang siguro ako. Iba talaga pag lumalandi e, nagiging miserable.

Sabi nga nila less expectations, more happiness. Also, less failures.

Siguro sa ngayon, marami na magkakandarapa sa kanya, maghahabol. Madami na siyang magiging kaibigan at for sure, madami na din siya mapapaibig. Magiging busy na rin siya sa social life niya, ako naman ito nagpapakahirap pa din. Siguro dadating din ako sa parteng iyon. Sana nga. Tumingin ako sa labas ng bintana na tanaw ang kabuuan ng resort. Sana balang araw maging sing ganda rin ako ng isang tanawin.

Napahawak ako sa dibdib ko dahil medyo sumakit iyong puso ko, ramdam ko ang kirot nito, dahil ba ito kay Kurt? Pati ulo ko sumakit, kakaisip ba ito sa kanya?

Hay, siguro hindi ito ang tamang panahon para sa nararamdaman ko sakanya.

Kaya sinusumpa ko na susubukan ko ang best ko para pumayat na ako. Sa ngayon isasantabi ko muna ang pagkahumaling ko kay Kurt. Focus muna sa studies at sa pagpapapayat ko. Sana nga ma-achieve ko to.


Ay! Kailangan ko na pala mag-ayos ng gamit. Babalik na kasi kami ni bes sa aming mga bahay. Bukas may pasok na naman. Pasalamat na lang ako at wala kaming assignment. Kailan kaya darating ang araw na ilu-look forward ko ang pagpasok sa school?
















"HOY MAMSH! Sino yang gwapong yan? "

"Bagong tansfer ba yan? Ang gwapo niya!!!"

"OMG ANG HOT NI KUYA."

"Grabe tignan mo kabago bago dito may malalanding babae na kaagad nakadikit!"

Nagpantig ang tenga ko at mas lalong magpapantig ang tenga nitong si bes , sampu ata tenga nito e. Basta sa chismis ay mga bulungan iba ang level ng tenga niya.

"Hoy bruhildang mukhang lupa, anong malandi!? TANGA KA BA? ANO AKO TANGA AT MALANDING KATULAD MO? ABA HINDI MALAMANG. KAPATID KO TO EH! BAKA IKAW ANG PATULAAN KO DYAN! KE-AGA AGA NABIBWISIT AKO SA MUKHA MO!"

Kung ako sinabihan ni bes ng ganun, iiyak ako. Panigurado! Yumuko yung babae, mukhang napahiya naman siya ni bes kaya ayun umalis na siya. Iba talaga bunganga nitong si Bes pag galit e, yung bes nagiging "beast" hahaha.

"Chill lang Bes masisira ang beauty mo ngayon. Huwag ka nga paapekto sa mga yan. You are better than that." Fi pa ba siya sanay? Baka masira ang pangalan niya dito maging maldita princess hindi na sexy princess, mga estudyante pa naman sa paaralan ito akala mo kung sino kung makaasta.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon