PORK CHOP-TER 22 - REVISED

1.7K 26 0
                                    

Ceith Esra's POV



Minsan talaga mapapaisip ka na lang na 'bakit ako nagbestfriend ng isang abnormal at nakakarindi'. Talagang nakakarindi si Bes, tanong nang tanong.


Yung nangyari sa mall, naikwento ko na, ako ba naman halos pilipitin ang kamay magsalita lang e, nakakastress talaga maging bestfriend ang isang ito naako pero Imma say that I'm really lucky to have her.




"Bes first mo? Ay hindi second pala hahaha, swerte mo ano?"


SWERTE PA BA AKONG MATATAWAG? KAHIT KELAN TALAGA TONG BABAENG TO HINDI ALAM ANG SWERTE SA MALAS.

"Swerte? Sobrang nadidismaya na nga ako dito noh, yung EXO ALBUM!"



"OMG bes dalaga ka na. I can't. Dumadami na experiences ah ... yieee, atsaka hayaan mo na huwag kang madismaya dyan, isa pa marami pang EXO ALBUM dyan sa tabi bibilan na lang kita kung gusto mo fresh from Korea pa e."

"Seryoso ka ba dyan sa EXO album na yan? huwag mo akong ma-jongdae dyan ha aasahan ko talaga! (note: majongdae=maloko) Pero naasar pa rin ako, leche yung lalaking yun. pagnakita ko talaga yung lalaking yun seryoso ipapakain ko sakanya yung sampung album na ioorder ko ... ay hindi, ioorder mo pala hehe! "


Mabuti na lang at nakauwi na kami ni Bes sa condo dahil kanina pa ako nasstress sa palaisipan ng lalaking iyon.  Hindi na kami nakatira sa mga bahay namin, ngayong college kasi mas mabuti na magdorm kami ni Bes ang kaso lang ay hindi daw pwede magluto sa dorm ng university na papasukan namin kaya naman heto kami sa condo. Regalo sa akin ito ng parents ko dahil excellent performance daw ang pinamalas ko noong high school at masaya sila na may mga kaibigan akong nakilala. 

May sarili din naman si Bes na condo kaso mas maganda kasi kung magsasama kami sa isa dahil una sa lahat hindi ako sanay na mag-isa at pangalawa ako ng mag-isa kahit iyon naman talaga ang buhay ko noong high school. Nasanay na kasi ako sa presensya niya atsaka mas makakatipid kami sa gastusin sa mga bills kung maghahati kami.

"Bes? Hello? Landing to Earth, nagde-daydream ka nanaman dyan. Huwag mo na kasi isipin yung lalaking iyon for sure hindi mo na ulit iyon makikita noh!"


Hindi naman iyon yung iniisip ko pero okay pagdating kasi kay bes may machika lang ako iniisip niya yun lang laman ng utak ko. Tsk. Ito nga kasi kinuwento ko sa kanya yung naganap kanina. 

Yung lalaki na kaagaw ko sa album ng EXO, nung una hinayaan ko lang pero sabi ko nga ipaglalaban ko si Sehun ko kaya ayun hinabol ko ulit tas hinablot ko sakanya.

Tas nagbangayan kami ng sobrang igsi, oo maigsi lang dahil wala siyang kwenta kausap, tas nung habang nagsasalita ako may ginawa siyang kahindik hindik na nagpaguho sa mundo ko.

Nilagay niya yung kamay niya sa lips niya, parang yung hintuturo at yung midle finger inilapat niya sa labi niya ganun tapos dinikit niya sa lips ko, DI.NI.KIT SA LIPS KO!!!



Parang flying kiss pero hindi lumipad kasi dumiretso sa labi ko, KADIRI! Paano na lang kung saan saan niya hinawak yung kamay niyang iyon? Pag nagka-virus talaga ako siya ang unang suspect ko!

At ang pinakamalala sa lahat ay hindi lang ako sa kanya naiinis kundi pati sa sarili ko. Dahil sa gulat ko noong panahon na iyon HINDI KO MAN LANG SIYA NASAMPAL!!!!

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon