PORK CHOP-TER 14 - REVISED

2.1K 44 3
                                    

Mac Cael's POV

"Hello? Mac. I need your help!"

"Ano nanaman palulo mo? You know Im always busy when it comes to you."

"KUYA KAPAG DI KA UMAYOS I WILL TELL YOUR LITTLE SECRET TO PAPA!"

"WTF? Ikaw talaga di ka marunong magtago ng sikreto kaya ayoko sayo."

"Well well well caramel. I don't like you too pero I need your help."

"Sana nagpanggap ka naman na gusto mo akong kuya bago ka humingi ng tulong noh?"

"Tss. Anyway. Go back here in the Philippines!"

"Huh? Bakit naman?"

"Eh kasi nga I'm in trouble!"

"Kahit kailan ka talaga. Marami ka naman kaibigan dyan sila na lang hingan mo ng tulong."

"No! Sige na please I'll tell you once nandito ka na. If you are not going to help me I swear! Papa is one call away lang!"

"Blackmailer panget mo!"

At iyon ang dahilan bakit napunta ako sa Pilipinas. Isang malaking scam ang pinasukan ko. Dahil sa kapatid kong yon pahamak eh!

Mas gusto ko buhay ko sa South Korea. Bukod sa malamig eh wala iba talaga don ewan ko ba! Kaso nawalan naman ako ng choice dahil sa kapatid kong nagmamagaling. Nakakainis kasi nakapagsimula na ako dun eh tapos biglang ganyan lang biglang hila sa akin tas sabing "Pilipinas".

At napakafluent ko talaga sa Filipino language, dahil sa totoo lang halos wala pa akong isang taon doon sa SoKor at isa pa, hirap kasi matuto ng Korean, kaya sarili ko lang kausap ko dun. Lumipat lang naman ako doon kasi gusto ko sana maging Trainee sa SMent. Para maenhance pa ang talents ko. Pero sabi ni Lord, mas okay na daw na tago ang kagwapuhan ko. Okay okay.


Sa totoo lang wala din naman akong pake kung nasaan ako, kaya ko naman pumunta dun anytime. Hayaan na nga parang nakita ko na yung pangarap ko kanina e hehe.  

At syempre nakalipat ako ng walanag kahirap-hirap dito. Kahit na anim na buwan nang nakalipas ang school year nakapasok pa rin ako dahil si papa ang may-ari ng school. Pwede na rin sa akin dahil ehem, tagapagmana. 

At oo nga pala ngayong araw ang unang araw ng pagpasok ko.

Sa sobrang gwapo ko hinabol ako ng mga fangirls at fangays ko, nyahay. Di pa nga nagsisimula ang pagiging idol ko may fans na agad ako. Shet ang lupet ko talaga.

Pagkapasok ko pa lang sa gate kanina tinginan lahat e. Pati yung guard natulala hahaha ang gwapo ko kasi, ang gwapo ko lang talaga. Ang bago bago ko dito hinabol agad ako? 

Parang akong meat, at sila ang aso. Ako ang pagkain, sila ang tagakain.

Mas effective pa yung magnet ng kagwapuhan ko kaysa sa salitang libre eh.

Kanina habang tumatakbo ako, para makaligtas sa mga aso ay este sa mga fans ko daw, napunta ako sa canteen. Aba syempre napasukan ko puro pagkain e, edi canteen yun.

Tapos, naghanap ako ng matataguan.

Sa ilalim kaya ng mesa? Aish bakit glass ang mga lamesa dito? Yayamanin.

Sa poste? Tsss, hindi pa rin ako ligtas dun parang timang naman ako kapag doon ako magtatago.

Magpanggap kaya akong nagtitinda? Sus baka pagkaguluhan ako lalo.

Idisplay ko kaya sarili ko, kunwari statue ng isang gwapo? Nako baka mas lalong pagkaguluhan.



Inilibot ko ang mata ko at natagpuan ang babaeng nerd na medyo chubby na nakaupo sa medyo dulo at corner ng canteen. Dahil gwapo ako at isang henyo, sakanya ako sumiksik. Kasi kung iisipin ko na sa isang kapansinpansin ako sumiksik ay aba edi mapapansin lalo nila at baka maissue pa kami.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon