PORK CHOP-TER 8 - REVISED

2.5K 60 0
                                    

One month na ang nakalipas, pati ang mga bulaklak noon na aking nakikita ay lanta na, pati ang aking pantalo ay kupas na. Grabe drama mo self akala mo naman gumuho mundo.

Bakit ba nagiging baliw na ako? Kung ano-ano nanaman ang mga pinagsasabi ko. Wala kasi ako sa tamang wisyo, dahil puro damo lang kinakain ko. Kaya hindi ko talaga maatim na hindi kumain ng masasarap noon e. Iyon ang naging fuel ko para magwork ang aking brilliant mind.

At oo nga pala, one month ko na din dinadala ang pagiging KAMBING. 

Kambing all the way to success ang peg ko kasi ngayon.

Moving on and on and on and on ... don't stop believing~ Napakanta nanaman ako ng wala sa oras hay talagang nababaliw na ata ako. Andito ako ngayon kila Bes and as always nakasched na every Tuesday, Thursday and Friday ang "WORKOUTS" kuno namin. 

Tapos medyo malungkot din ako this past few weeks paano naman kasi, yung one true love ko. Charot.



HINDI KO NA NAKIKITA SI KURT!

Wala na nga akong ibang inspirasyon kasi tinanggalan na ako  ng pagkain tas ng ano ... pagkain ulit, tas pati si Kurt di ko pa nakikita kahit isang sulyap lang! Buti na lang may mga libro pa ako pero hindi ko maharap kasi ang daming ginagawa sa school. Hindi tuloy ako makapagbasa ng mga novels. Kadugtong nun wala akong fictional character crush na bago! Bakit ba ang lungkot na ng buhay ko.

Kinakawawa na nga ako ni Bes pati ng mga teachers. 

Grabe sila wala man lang awa sa katulad ko na ang gusto lamang ay kapayapaan sa mundo. 

Pero matagal na palang wala kasi nga mataba ako, at isang kasalanan ang pagiging mataba sa ibang tao, makalait sila e akala mo labag sa bayas ang pagiging mataba tapos ipinagtatabuyan pa ako at nilalayuan na parang may sakit na nakakahawa.

Isang araw nga tinatanong ko kay bes kung nasaan na si Kurt my bebe loves, pero parang walang pake naman, hindi, parang hangin lang talaga ako kapag kausap ko siya, siya yung tao ako yung utot, ganun ang koneksyon namin ngayon. 

Kagaya nito ...

"bes di ko na nakikita si kurt, asan ba siya? I mean nagtatanong lang naman ako." tatango lang yan tapos ngingiti na parang baliw ...

Ang creepy! Parang hindi lang ata ako aang nababaliw e. Kaming dalawa!

Kasabay ng pagkawala ni Kurt ang pagkawala ng katinuan ni bes. Kasabay ng paglabas ko bilang utot niya ang pagkamatay niya sa baho.

Peste, wala na akong makausap ng matino dito kahit sarili ko di na matino.

Napatingin ako sa salamin sa harap ko. Kamusta ang taba ko? 

Kung titignan ko sa salamin parang wala namang pinagbago. Parang ganun pa rin ako mataba. Ewan ko pwede rin kasi na hindi ko lang talaga nakikita yung changes since araw araw ko naman nakikita sarili ko sa salamin.

Medyo kinakabahan nga ako ngayong araw kasi every end ng month titimbangin ni Bes ang taba ko.

Taba talaga kasi isang malaking taba lang naman ako na tinubuan ng mukha, kamay at paa.

Syempre kinakabahan ako sa timbangan na yan pano kapag walang nabawas? Edi malulungkot si bes. Ganun din ako inaasahan kong may mababawas noh. Pero posible ba na walang mabawas? Kahit na nagpapakamatay na ako para pumayat dito? Lol ang exaggerated pero yun talaga ang tingin ko.

"ah bes maghanda ka na ah. Mamaya na ang timbangan natin." tignan mo makatimbangan natin parang double dead na baboy ako dyan sa mga palengke. At sa wakas may sinabi siyang matino.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon