PORK CHOP-TER 17 - REVISED

2.3K 33 0
                                    

Ceith Esra's POV


Natapos na din sa wakas ang pagbababad namin ni Bes sa telepono. Kung hindi ako naka-unli sigurado akong lubog na ako sa utang kakapaload, buti na lang din siya ang tumatawag sa amin. Medyo napatagal kasi ang pag-uusap namin kanina e, ang haba ng kwento niya eh napunta lang naman sila sa detention room pero ang kwento niya akala mo nakipagsapalaran siya sa kuwarto na iyon sa loob ng mahabang panahon.


Kaya eto ako ngayon nagbabasa ng libro bago matulog kasi hindi pa ako inaantok, nakakarindi kasi yung boses ni Bes na sa boses pa lang niya nagigising na buong diwa ko.



Nang makatapos ako ng limang mahahabang chapters, nakaramdam na ako ng antok. Papatayin ko na sana ang lamp shade na nakapatong sa lamesa ko na malapit sa higaan nang biglang may tumunog.


Cellphone ko pala. Si bes nanaman to panigurado.



Kakausap lang namin, tumatawag nanaman to, namiss na agad ako ni Bes? Grabe lang. 



Hindi na ata ako makakatulog, ano nanaman ba kailangan nito? Manggigising nanaman ang boses nito tas magbabasa nanaman ako tapos wala na hindi na ako makakatulog.



"Hoy! Bes magkikita pa naman tayo bukas. Utang na labas hayaan mo ako makatulog nang maayos. Baka gusto mo bukas Zombie na ako?"


Aba ang lakas ng loob na babaan ako, excuse me siya ang nanggugulo ng matutulog na sanang tao tas binabaan ako! Kanina pa to nangiinis ah, pag tumawag pa ulit to babangasan ko muk----

Hindi ko na pinalipas ang isang segundo at muling nagbunganga sa kanya ng malaman niyang istorbo siya ng buhay at pagtulog ko sana ng mahimbing.



"Bes! nakakaini--"

"Hello Ceb" nagulat ako. period. feel ko lalabas na yung mga mata ko.


Kung kanina yung boses na nakakarindi ni Liliane Rivera ang nakapagpagising sa diwa ko, ngayon ang malalamig na tinig naman nito.


Kahit hindi ko tignan ang caller kilala ko, boses pa lang ... paano ko ba malilimutan ito? Pero dahil baka isang malaking prank ito o kung ano man baka umaasa nanaman ako, tinignan ko na.


Eto nga ang number niya, kahit na sabihin ng mga tao na hindi naman kami nagtetext o magjowa syempre alam ko number niya at minemorize ko pa. Ganun ako nahumaling kay Kurt noon ... Yes noon. Move on na tayo.  Pero paano niya nalaman ang number ko? 


Buti na lang pala naisipan kong tanggihan ang libreng sim na kasama ang binili naming phone. Baka hindi ko tuloy maririnig ang boses niya sa telepono ngayon pero saglit, CEB move on ka na , aasa ka nanamang baboy ka.




"hello Kurt? "

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon