PORK CHOP-TER 21 - REVISED

1.7K 24 0
                                    

Ceith Esra's POV


"Bes ano ba yan, dalian  mo naman oh ... mauunahan na tayo sa pila! Daig mo pa pagong sa kabagalan mo, kastress teh. "

Itong babaeng to, makahila naman tong si Bes akala mo wala ng ibang cashier. Isa pa sabi ko kasi medyo agahan namin para konti pa lang tao sa mall, tapos ngayon inip na inip sa haba ng pila eh hindi pa nga kami nakapila talaga, paano na mamaya baka magalburoto na.


Lakas talaga ng sapi ng isang to e.



"Saglit naman bes, bakit ka ba nagmamadali ha? Kumpleto na ba yang mga nabili mo? Mamaya pipila nanaman tayo, isa pa marami namang ibang cashier, bakit ba dito pa tayo sa may pinakamahaba ang pila?"

Ewan ko ba kung narinig niya yung sinasabi ko, kanina pa kasi to titig na titig sa kung saan.


"Hello bes? Bes to earth o gusto mo bes to hell?" Nagsnap pa ako sa harap niya, parang na hypnotize ng kung ano sa malayo e. Asan na ba kaluluwa niya? Nakawala sa katawan niya.


Babatukan ko na talaga tong isang to. Aabot na sana yung kamay ko sa ulo niya nang biglang ...


"HEP HEP BES! Huwag mo sabihin babatukan mo ako? Nakikinig naman ako sayo, ang high blood mo a."

"Wow ikaw pa talaga ang nagsabi niyan, sa akin pa talaga."


Kausap ba talaga ako nito o ano? HIndi man lang ako magawang lingunin.


"Ano ba yang tinitignaan mo dyan? Daig mo na ang giraffe sa paghaba ng leeg e."


Sa wakas napalingon na siya, sinabihan niya akong pagong kanina, ngayon siya ang giraffe dyan.

Nagpout muna siya bago magsalita, nako pacute. May pogi siguro sa paligid kaya yung kaluluwa niya nagwawonder sa paligid eh.


"Ebes naman kasi may gwapo dun oh! Grabe bes ang gwaping ni kuya! " napafacepalm na lang ako, sabi na nga ba at lalaking gwapo ang pinagkakaabalahan niya e.


Today nasa mall kami ni bestfriend ko na wala naman talagang ibang ginawa kundi ang mag"boy hunt", ako na nga nag-asikaso sa mga requirements namin dahil ang bruha halos magfashion show sa mall. Mukha tuloy akong alalay dito sa tabi niya eh.


At kasalukuyan kaming nakapila sa mahabang pilang ito, malapit na muli ang pasukan at matatapos na ang isang napakasayang summer vacation kaya ayan naghahanda na kami for college life. 

Sa wakas at natapos na yung "HIGHSCHOOL LIFE OF FOOD AND BOOKS" ko, ang daming naging struggles ng high school life ko kaso sa bandang huli lang naging masaya at least naging masaya naman ito kahit papaano.


Kung dati "High school life of food and books" ngayon naman ay "COLLEGE LIFE OF..."


Sa totoo lang wala pa akong maisip dahil nga mag-uumpisa pa lang ang college life ko.

Kinakabahan ako na naeexcite sa mga mangyayari.

Nerdy Piggy Turns Into Sexy Princess (Awesomely Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon