Chapter 44

7.2K 194 3
                                    

Hellistine's POV

Nagising ako sa isang kwarto na walang kagamit-gamit at ako lang iisang tao. Nakatali ang mga kamay ko.

Inisip ko kung anong huling nangyari sa akin.

"Sh*t" napamura na lang ako

Nasan na kaya sila Sky? Ang mga kaibigan ko, nasaan na kaya sila? Ito na ba ang sinasabi niyang laro?

Napatingin ako sa pinto ng bumukas ito at nanatiling walang emosyon ang mukha ko ng makita ko yung lalaking nakamaskara at may mga kasama pa siya sa likod niya na nakamaskara din.

"Naging maayos ba ang pagtulog mo my Queen?"

Nangilabot naman ako sa pagsabi niya ng my queen sa akin.

"Fvck you" cold at walang emosyong sabi ko

"Aww, ang sweet mo talaga"

Si Troy ba tong nasa harap ko? Hindi ko kasi matukoy yung boses dahil may voice changer siyang gamit.

"Who the fvck are you?" Cold paring sabi ko

"Mamaya malalaman mo din. Pero kailangan mo munang sumama sa akin"

Tinayo ako nung dalawang tauhan niya pero pumalag-palag ako. Kaso nakatali nga ang mga kamay ko.

Sinipa ko yung isang humahawak sa akin at napatalsik naman siya. Sa patuloy na pagpupumiglas ko ay may kung ano silang tinurok sa akin at unti-unting nagmamanhid yung katawan ko.

Kahit gusto ko pang manlaban pero hindi ko magawa.

Pinasok nila ako sa isang room at agad na bumuhos yung luha ko sa nakita ko.

"D*mn you asshole!"

Lahat sila nakatali. Lahat sila ay bugbog sarado na. Si Sky. Sila Jessica. Lahat sila.

"Nagandahan ka ba sa surprise ko?" Sinamaan ko lang ng tingin yung bwiset na lalaking yun.

"Pero wag ka mag-alala, maging akin ka lang hindi ka matutulad sa kanila" sabi pa niya

"Tsk. I will never be yours" lumapit naman siya sa akin.

"Talagang pinapahirapan mo ako ah. Pero mamaya magiging akin ka rin sa ayaw at sa gusto mo"

Lumabas sila ng room at dali-dali naman akong pumunta kay Sky.

"Sky. I'm sorry"

"A-akin ka k-lang diba?" Tanong niya at agad naman akong tumango

"Of course Sky" nakita ko pang ngumiti siya

"H-hindi ka sasama s-sa k-kanya?" Tanong pa niya

"No Sky. I will never be with that asshole. Makakaalis din tayo dito" tumulo na naman yung pesteng luha ko

"Hanggang dito ba naman, kinikilig pa rin ako sa inyo" napatingin ako kay Alexa

"Alexa" napaupo na lang ako at umiyak. Hindi ko sila kayang makitang nagkakaganito.

Ayaw kong ng dahil sa akin kaya sila nagkaganyan. Ako lang naman ang kailangan nila pero bakit pa sila nandamay?

"H-hell, wag ka ng umiyak" sabi nila pero hindi pa rin ako tumigil

"S-stop crying b-baby, it breaks m-my heart" dahil sa sinabi ni Sky kaya mas lalo lang akong napaiyak.

"I'm sorry guys, this is all my fault" basag na sabi ko.

"H-hell, wag mong sisihin ang sarili mo" sabi ni Jessica

"Ako lang naman ang dapat sisihin sa lahat ng ito. Ako ang kailangan nila at nadamay lang kayo. Dapat ako ang nasa posisyon niyo" ako

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now