Chapter 14

11.4K 286 2
                                    

Hellistine's POV

Pagkatapos nung program ay dumiretso na ako sa tent namin. Malaki din ang tent na to at kasyang-kasya kami ni Sky.

Wala akong dalang unan kaya naman yung bag ko yung ginawa kong unan at kinuha ko yung comforter.

Mabuti na lang at may comforter na binigay yung prof. Anong oras na din, mago-one o'clock na ng umaga. Ang bilis talaga ng oras.

"Matutulog ka na?" Nagulat naman ako sa biglang pagsulpot ni Sky

"Yes" sagot ko at humiga na

"But you're not eating yet" siya. Oo nga no, hindi pa pala ako kumakain.

"Bukas na lang, gusto ko ng matulog" sabi ko kahit na hindi pa man ako inaantok. Trip kong humiga eh.

"Lumabas ka na lang kung gusto mong kumain"

At narinig kong umalis na siya. Mga ilang minuto pa yung nakalipas at nabobored lang ako dito sa loob.

Mula dito sa loob ay may nakita akong anino na nakatayo lang. Akala ko nung una ay estudyante lang na kasama namin pero nang sinilip ko ay nakaitim ito at sa tingin ko ay nakatingin siya doon sa pwesto nila Sky.

May kinuha naman siya sa bulsa niya at cellphone yun.

"Kasalukuyan silang kumakain ngayon..... Ngayon na natin isasagawa?...... Oo sige, masusunod"

Ano kaya yung pinag-uusapan nila? At sigurado akong hindi maganda ang pakay nitong lalaking to.

"Pumunta na kayo dito. Habang busy pa sila" sabi niya ulit sa phone niya.

Now i know, hindi talaga maganda ang pagpunta niya dito. Tahimik naman akong nagsuot ng sapatos ko at dahan-dahan akong lumabas sa tent.

Nagpalipat-lipat ako ng tent para hindi niya ako makita. Malas dahil masyadong malayo sila Sky at kapag pumunta ako dun ay talagang makikita ako.

Nakita kong nagtago siya sa isang puno at may mga kasama na siya. Nagrecruite pa talaga siya.

"Be ready. Pinatay niya ang boss natin kaya dapat lang na magbayad siya" sabi nung lalaking nakaitim kanina.

Oh, so gang conflicts pala ito. Pinatay ni Sky yung boss nila? Normal lang naman yung salitang patayan basta usapang 'gang'.

"Psst.." Ginawa ko yun para madistract sila.

"P*ta, sino yun?" Sabi nung isa sa kanila

"Tingnan niyo kung sino yun? At kapag nakita niyo alam niyo ng gagawin"

Naiinis ako kila Sky dahil hindi man lang sila tumitingin dito at hindi man lang nila napapansin na may nagmamatyag sa kanila.

"Pssst..." Mas lalo silang nataranta

"Hanapin niyo nga sabi kung nasaan yun!" Natataranta na rin yung feeling boss nila.

May isang lalaking papunta sa pwesto ko. Nagtago muna ako at ng malagpasan niya ako ay agad ko siyang sinakal hanggang sa maubusan siya ng hininga.

Kinuha ko naman yung baril na hawak niya.

Lumipat naman ako ng pwesto. Pinukpok ko sa ulo gamot yung baril na hawak ko yung lalaking nakasalubong ko at sinalo ko pa ito para lang hindi maingay yung pagbagsak niya.

"Pssst..."

"P*tangi*a. Nasan ba yun?" Tanong nung leader-leaderan nila.

"Huli ka!" May nagsalita sa likod ko at hinawakan yung braso ko.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now