Chapter 7

12.8K 345 22
                                    

Tamara's POV

Bigla na lang pumasok yung limang lalaki dito sa room kung nasaan kami. Nagugutom talaga ako!

"Nagugutom na ako" sabi ko sa kanila

"Tsk, ngayon ka pa nagutom eh wala namang pagkain dito" sabi ni Jessica

"Lagi namang gutom yan" sabi pa ni Hell

Ang sama nila! Dapat pala nagdala na ako ng pagkain! Tsaka bakit nga ba ako nandito? Eh, wala naman akong ginawang masama!

Parang biglang nagningning yung mata ko ng makita ko yung isang lalaki na naglabas ng piattos na malaki.

"Hoy, san ka pupunta?" Tanong ni Kiana

"Dun oh, manghihingi ako ng pagkain" sabi ko at ngumiti pa.

"Baliw ka na ba? Lalapitan mo yang mga yan para lang sa pagkain? Gosh" sabi ni Alexa

Ano namang masama sa paghingi ng pagkain? Wala naman diba? Kaya naman tumabi ako dun sa lalaki at mukhang nagulat pa siya.

"Pwedeng pahingi?" Tanong ko at nilahad ko pa yung mga palad ko sa harap niya

"Gutom na kasi ako eh" sabi ko

*kru* kru* kru*

"Hahaha, gutom ka na nga" sabi niya at inabot sa akin yung piattos na hawak niya

Buti pa siya gwapo na mabait pa.

"Thanks!" Ngiting sabi ko at nilantakan ko na yung piattos.

"Gusto mo?" Alok ko pa sa kanya

"No wag na, mukhang kulang pa yan sayo" natatawang sabi niya

"Ano nga palang pangalan mo?" Tanong niya

"Tamara Jung. Eh ikaw?" sagot ko sa tanong niya at kumain uli ako.

"I'm Brent Santos. Kaibigan mo ba yung mga yun?" Tanong niya at tinuro sila Hell, tumango naman ako.

"Mukhang ang babangis nila, lalo na yung Hell" siya

"Kahit ganun yun si Hell, mabait yun. Promise. May pagkamasungit nga lang" sabi ko at ngumiti pa

"Bakit nga pala kayo nandito sa detention room?" Tanong niya pa

"Kasi yung dalawang kaibigan kong si Jessica at Kiana ay nambugbog"

"Eh bakit ka andito?" Tanong niya pa

"Sinamahan namin sila ni Hell at Alexa kahit na wala kaming kasalanan" sabi ko

"Naubos mo na ata yang piattos ah" siya

"Ay, oo nga. Pero gutom pa rin ako" nakapout na sabi ko

"Know what? Your cute" sabi niya at pinisil yung cheeks ko. Namula naman ako sa sinabi niya.

"Hehehe... Ikaw din cute ka"

Hellistine's POV

Nandito pa din kami sa detention room ngayon at si Tamara ay kasama yung lalaking hindi ko kilala.

"Feeling close ni Tamara no?" Sabi ni Alexa

"Parang ikaw hindi ah" sabi naman ni Kiana

"Hindi naman talaga ah!" Angal pa ni Alexa

"Anong hindi! Fc ka kaya!"

"Hoy kayong dalawa diyan, magsitigil na nga kayo. Kanina pa kayo eh" suway sa kanila ni Jessica

"Hell! Halika kayo dito!" Sabi ni Tamara at pinapapunta kami dun sa pwesto niya

"Ayoko nga" sabi ko at nanatili pa din ako sa pwesto ko. Ganun din yung tatlo.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now