Chapter 38

7.7K 191 1
                                    

Hellistine's POV

"Nasan na kaya si Alexa? Tinawagan ko na si Kenneth pero hindi niya raw kasama" nag-aalalang sabi ni Tamara

Anong oras na kasi pero hindi pa rin umuuwi si Alexa. Pati nga si Sky.

"Nasan na ba yung babaeng yun?" Kiana

Ilang beses na namin siyang kinontact pero wala pa rin.

Napakunot naman ang noo ko. Hindi pa bumabalik si Sky, ganun din si Alexa? Posible kayang iisa lang ang may gawa nito?

"I feel something different about this" sabi ko

"Nararamdaman ko rin yun. Hindi na maganda to" sabi rin ni Jessica

"Wala naman sanang masamang nangyari kay Alexa" kinakabahang sabi ni Tamara

Nakarinig kami ng kung anong kalabog mula sa labas ng bahay.

"Ano yun?" Tanong ni Kiana

"Uso lumabas" agad naman akong lumabas at habang palabas ako, bigla na lang akong kinabahan.

Pagkalabas ko ay agad akong napatakbo papunta sa kanya. Who the fvck did this!?

"Sino namang hayop ang gumawa niyan!?" Jessica

"Sky, sky"

Sa tingin ko ay may malay pa siya. Tinulungan naman nila akong alalayan si Sky papasok sa bahay namin.

Inutusan ko naman silang dalahan ako ng mga panggamot.

"Contact his friends" agad namang tumango si Kiana

"Sky, tell me who the fvck did this?"

Hindi ko namalayan na may luha ng tumulo galing sa mata ko. The fvck! Bakit na naman ako umiiyak!?

Sobrang bugbog niya. Ang dami niyang sugat at sigurado akong pinahirapan talaga siya. Mapapatay ko talaga kung sino ang hayop na gumawa nito sa kanya.

"H-hell"

"Sky, tell me who did this sh*t" imbis na sagutin niya ako ay niyakap pa niya ako.

Napakagat na lang ako sa ibabang labi ko at hinayaang tumulo yung luha ko.

"I-i m-miss you" nanghihinang sabi niya

Nang maiabot sa akin ni Jessica yung panggamot ay sinimulan ko ng gamutin yung mga sugat ni Sky.

Napaawang na lang ang bibig ko ng makita ko kung gaano kadami yung sugat niya.

Pinunit ko na rin yung damit niya.

"Tamara! Call a doctor right now!"

Agad namang nagdial si Tamara at tumawag ng doctor.

Kulang kasi yung mga gamit ko at doctor lang ang makakatulong sa amin.

"Don't close your eyes Sky" dahil kapag sinara niya yung mata niya maaaring hindi na siya magising pa at ayaw kong mangyari yun.

"H-hell" hinawakan ko naman yung kamay niya.

"I'm here, just don't close your eyes" dahan-dahan naman siyang tumango.

Mga ilang minuto pa ang nakalipas at dumating na rin sila Travis, Liam, Kenneth at Brent kasama yung doctor na tinawagan ni Tamara.

Agad na inasikaso nung doctor si Sky.

"May balita na ba tungkol kay Alexa?" Nag-aalalang sabi ni Kenneth

"As of now wala pa" sabi ni Jessica

Wala akong ideya kung sino ang pwedeng gumawa nito kay Sky at sumasakit na ang ulo ko sa pag-iisip.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now