Chapter 35

8.5K 225 3
                                    

Third Person's POV

Lasing na ang lahat maliban lang kay Hell dahil hindi niya trip na uminom ng marami kahit pa na sanay siya rito.

Kasalukuyang natutulog ang magfiance na si Hell at Sky sa kwarto nila at yung iba naman ay nasa ibang kwarto.

Dahil sa kalasingan na rin nila ay hindi nila napansin na pinasok na pala sila.

"Mukhang tulog na sila" sabi ng isang lalaki

"Mas mabuti na yun para mas mapadali ang gagawin natin" sabi pa ng isang lalaking nakamaskara.

"Siguraduhin niyong walang magigising ni isa sa kanila"

Hellistine's POV

Naalimpungatan ako sa hindi malamang dahilan. Agad na bumungad sa akin ang nakayakap sa akin na si Sky.

Bumangon naman ako at iba talaga ang pakiramdam ko. Parang may mangyayari na hindi ko matukoy.

Hanggang sa nakarinig ako ng kaluskos sa labas ng kwarto.

Iba na to. Mabuti na lang at hindi ako nalasing kagabi. Oh sh*t! Lasing nga pala ang mga kasama ko at panigurado na mahirap silang gisingin.

"Sky" ginigising ko si Sky pero hindi naman nagigising

"Sky gumising ka" pero wala talagang epekto. Aish! Bwiset nga naman oh! Sinakto talaga ng mga bwiset na to na lasing yung mga kasama ko!

Naghanap ako ng matulis na bagay at dahan-dahan akong lumabas sa kwarto. Madilim, yan ang nakikita ko.

Nasan kaya yung mga yun? May narinig akong mga yabag na paakyat kaya nagtago ako.

"Huwag kang maingay" rinig kong sabi nung isa sa kanila

"Mukhang tulog naman silang lahat" rinig ko pa.

Nagkakamali sila. Hindi ata ako nalasing kagabi. Mabuti na lang at medyo madilim dito at hindi agad ako makikita.

Nakita ko namang nakaakyat na sila dito sa taas at hinanda ko na yung hawak ko.

May nakita akong isang taong nakamaskara at sa tingin ko ay lalaki siya.

"Bakit bukas yung pinto di-----" agad ko siyang sinakal gamit ang braso ko. Nagpupumiglas siya pero dahil mas malakas ako kaya hindi niya nagawa.

Binitawan ko siya ng malaman kong wala na siyang hininga. Hindi ko alam kung ilan sila at hindi ko alam kung anong dahilan at pinasok nila kami ng gantong oras.

Sinilip ko yung kwarto namin at nakakat*ngina lang! Tulog pa rin si Sky.

Kinuha ko yung baril sa bulsa nung napatay kong lalaki at bumalik ako sa kwarto namin at sinubukan ko uling gisingin si Sky pero wala pa rin talaga.

Makita niya, hindi ko na naman siya papansinin mamaya.

"Nasan na yung isa nating kasama?" Rinig ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan.

Nagtago agad ako sa likod ng lamesa ng makita kong malapit lang sila sa akin.

"Hindi ko alam" boses babae. Bakit may babae pa silang kasama?

"Hanapin niyo na" rinig ko ang pagdiin nung lalaki sa pagbigkas niya.

Lumipat ako ng pwesto at nagpunta ako sa pintuan namin para hindi na makalabas tong mga hayop na to.

Nang makita kong paakyat yung lalaki sa hagdan ay agad kong tinarget ang ulo niya. Dahil sa magaling nga akong bumaril ay walang hirap kong nasapol yunj.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now