Chapter 17

10.9K 288 5
                                    

Liam's POV

Oh yeah. First pov ko to ah. Thanks to our beautiful author. By the way, nandito kami ngayon sa condo ni Sky.

At alam niyo? Nawiweirduhan na kami sa kanya. Paano ba naman? Laging nakangiti!

Ngayon lang namin siyang nakitang ganto!

"Huy Sky! Nakakatakot ka na" sabi ni Brent

"Para ka ng tangang ngumingiti mag-isa" sabi pa ni Ken

"Ganyan talaga kapag inlove" ngising sabi ni Travis.

"Aish" yan lang ang sinabi ni Sky.

Nagkatinginan naman kaming apat sabay-sabay na umiling. Nababaliw na ata ang hari namin.

Bigla na lang may tumawag sa phone niya at sinagot naman niya ito pero lumayo siya sa amin.

Hindi namin marinig kung ano yung mga sinasabi niya.

"I have to go" sabi niya

"San ka pupunta?" Tanong ko

"Basta. It's very important" napakunot naman ang noo ko.

"Gusto mo samahan ka na namin" sabi namin at umiling naman siya

"No need" sabi niya at agad na lumabas ng condo niya.

Ano naman kaya yung napakaimportante daw na pupuntahan niya?

"It's like our King is hiding something" sabi ni Ken

"Naaamoy ko din" Brent

"Nacucurious ba kayo? Gusto niyo sundan natin?" Travis

"Baka gusto mong magkablack-eye" sabi ko. Dahil pag nalaman yun ni Kin talaganv masasapak kami nun.

Pero nacucurious rin kasi ako eh, ano naman kaya yun?

Hellistine's POV

"Hime, tara na kasi" sabi ni Kuya

"Ayoko nga" walang ganang sabi ko

Paano ba naman. Nagkayayaan kasi sila ni mommy na lumabas daw at kumain. Kasama si dad kaya ayaw kong sumama.

Tsaka, anong oras na din. 4:00 na ng hapon no.

"Dali na Hime, ngayon lang to" sabi pa niya

"Edi kayo na lang"

"Ang tigas talaga ng ulo mo" sinamaan ko naman siya ng tingin.

"Who's hard-headed?" Tanong ko

"Hehehe... Wala Hime, namali ka lang mg dinig. Tara na!" Pamimilit pa niya.

"Don't want---- argh! D*mn you! Put me down!" Inis na sabi ko

Paano ba naman binuhat ako ng parang sako at patakbo siyang lumabas sa kwarto ko. Para mabitawan niya ako ay sinapok ko siya sa ulo.

"Aray!" Siya. Pero wrong move ata yung ginawa ko dahil nalaglag kami sa hagdan.

P*nyeta! Ang sakit nun ah!

"Ouch" nakahiga ako ngayon dito at si mommy ay natatawang nakatingin sa amin.

"Argh! I hate you Harrold Clinton Park!" Inis na sabi ko sa kanya.

Habang patayo ako ay nakahawak ako sa likod ko. D*mn it! It really fvcking hurts!

"Aww, sweetie masakit ba?" Natatawang sabi ni mommy

"Aist! Ikaw naman kasi Hell eh!" Angal ni Kuya

"Aba! Ako pa talaga sinisi mo? Sino ba kasing tangang nag-isip na buhatin ako?" Sabi ko sa kanya

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now