Chapter 40

7.9K 211 1
                                    

Hellistine's POV

Tinawagan ako ni Kiana at sinabi niyang gising na daw si Alexa kaya naman punta ako sa hospital.

Pagkarating ko ay agad akong pumunta sa room kung nasaan si Alexa.

"Ayan na pala si Hell" rinig kong sabi ni Jessica pagkapasok ko palang sa room ni Alexa.

Kaming lima lang ang nandito. Ano to? Reunion sa hospital?

"Gosh Hell, panget na ako" agad na sabi ni Alexa sa akin

"Matagal ka ng panget no" sabi ni Kiana

"Ang sama mo talaga sa akin Kiana!" Maktol ni Alexa

"Haha.. Panget ka na nga" sabi pa ni Tamara

"Mag-uusap tayo Alexa at magsabi ka ng totoo" seryoso kong sabi kay Alexa

"Nakilala mo ba kung sino ang may gawa niyan sayo?" Tanong ko at umiling siya

"Hindi ko sila nakilala dahil nakamaskara silang lahat at marami sila" sagot niya

Parehas na parehas sila ng sinabi ni Sky. So it means na iisa lang ang may gawa nito sa kanila.

"Paano ka nila nakuha?" Tanong ko pa

"Naglalakad ako nun papunta sa library dahil may gusto akong basahing libro tapos may narinig akong nag-uusap sa isang bakanteng room tapos...."

"Tapos?"

"Narinig kong binanggit nila si Mr. Park, which is si Tito Tristan ang daddy mo Hell" naiyukom ko bigla ang kamao ko.

So sila rin ang may gawa nun kay dad!? At sigurado na rin akong sila ang may gawa nung nangyari kay Tita Jade.

"Ano pang narinig mo?" Tanong ko ulit

"May plano sila pero hindi ko alam kung ano. Basta ang narinig ko ay magtatagumpay daw sila sa huli at may isusunod pa sila" sabi niya

"Fvck it! Hindi ako papayag na may isunod na naman sila at hindi rin ako papayag na magtagumpay sila sa plano nila" seryoso kong sabi

Bigla na lang nagvibrate yung phone ko at si Sky tumatawag.

"Why?"

"May mga armadong lalaki sa labas mg bahay natin at hindi ko alam kung sino"

Pinatay ko na yung tawag.

"Bakit daw?" Tanong ni Tamara

"Nasan panganib sila Sky. Tamara and Kiana maiwan kayo dito para bantayan si Alexa at Jessica sumunod ka sa akin"

Hindi ko na hinintay ang susunod nilang sasabihin ng agad akong lumabas ng room ni Alexa at nagpunta sa kotse ko.

Nakita ko ang black van na nasa harap ng bahay namin. Agad akong naalarma ng may narinig akong putok ng baril.

Dumaan ako sa likod at pagkapasok ko ay nakita ko si Liam na nagtatago sa kitchen.

"Hell, si Sky nasa taas pa" sabi niya at nagpaputok ng baril

Tumango ako at agad na umakyat papunta sa taas habang iniiwasan ko yung mga bala ng baril na pinapatama nila sa akin.

Pagkapasok ko sa kwarto ni Sky ay wala siya sa kama niya kundi nasa lapag. Agad kong sinipa sa likod yung lalaking nasa harap niya.

Sinipa ko pa uli yung lalaki at natumba na siya. Kinuha ko yung baril na hawak ni Sky at agad kong pinaputok sa ulo nung lalaking nakamaskara.

"Are you okay?" Agad kong inalalayan si Sky sa pagtayo.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now