Chapter 28

9.5K 225 7
                                    

Sky's POV

Paggising ko ay napangiti agad ako. Naalala ko kasi yung nangyari kahapon.

Agad akong lumabas ng kwarto ko at nagpunta ako sa kwarto ni Hell pero wala naman siya. Nasan na naman yun?

Pagbaba ko ay nakaamoy ako ng mabango. Mukhang alam ko na kung nasan siya ah. Nagpunta ako sa kusina at nandun nga siya.

"Good morning" nakangiti kong sabi at niyakap ko siya patalikod at hinalikan sa pisngi niya

"Morning too" sabi niya at ngumiti rin

Sobrang saya ko talaga kahapon. Ikaw ba namang sabihan ng taong mahal mo ng 'i love you'. Matagal ko ng hinihintay na sabihin niya yun sa akin.

"Mukhang masarap yan ah" natatakam na tuloy ako sa niluto niya.

"Masarap talaga yan, maghanda ka na ng plates dun" tumango naman ako.

Feeling ko tuloy mag-asawa na kami. Pero darating din kami dun.

Gaya nga ng sabi niya ay naghanda na ako ng mga dapat ihanda. Nagtimpla rin akl ng gatas para sa aming dalawa.

Matapos ang lahat ay handa na kaming kumain. Hindi ko magawang alisin yung tingin ko sa kanya? Bakit ba ang ganda-ganda ng fiance ko? Soon to be Mrs. Montereal.

"Staring is rude" natatawa niyang sabi

Napangiti naman ako. Parang music yung tawa niya at nag-eecho sa isipan ko.

"Hoy, kain na!" Siya

"Oo kakain na pero subuan mo ako"

"Malaki ka na at may kamay ka, may mata ka at may bibig ka naman kaya hindi mo na kailangang subuan" napasimangot naman ako

"Sige na please"

"Aish, sige na nga"

Yes!

Hellistine's POV

Tumabi naman ako sa pwesto ni Sky at sinubuan ko na nga siya.

Nakakatuwa lang kasi para talaga siyang bata.

"Ang sarap ng niluto mo" Sky

"Syempre ako nagluto. Alam mo bang ngayon na lang uli ako nagluto"

"That's good. Ako ang dahilan kung bakit ka nagluto ulit" napangiti na lang ako. Naninibago ako sa sarili ko ah.

Panay na ang ngiti ko.

********************************

Nandito na kami ngayon sa Eastton University. Ngayon na lang uli ako pumasok.

At kami ang naging center of attraction dahil magkahawak-kamay kami ni Sky habang naglalakad. Holding hands while walking.

"Oh god! Ang cute nilang tingnan!"

"Oo nga! Perfect couple na sila!"

"Aww, naiinggit ako!"

"Bagay na bagay silang dalawa!"

Kung ano-ano pa yung naririnig ko pero dire-diretso lang kami ni Sky sa classroom.

"Oh yan na pala ang other lovebirds!" Sabi ni Brent pagkapasok namin ng room.

"Inggit ka lang" sabi sa kaniya ni Kenneth

"Musta araw mo bro?" Tanong Liam kay Sky

"Sobrang saya" napangiti naman ako sa sinabi ni Sky.

"Yun oh! Kapag nga talaga inlove ka" sabi ni Travis at tumingin kay Kiana

Nabasag ang pagkukulitan nila ng pumasok yung prof namin. Umupo naman na si Sky sa tabi ko. Siya na ang katabi ko ngayon.

I Am Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon