Chapter 20

11.5K 275 0
                                    

Third Person's POV

Hindi na nagulat ang mga kaibigan ni Hell sa naging resulta dahil kanina pa man ay kilala na nila ito.

Pero ang mga kaibigan ni Sky ay hindi makilala si Hell. Ni hindi nga nila kilala ang mga kasama nilang nakaupo sa iisang table.

"And Ms. Park! Take off your mask!" Atat na sabi nung emcee

Dahil sa gulat pa rin si Hell kaya naman ay si Sky na lang ang nagtanggal ng kaniyang mask.

"W-woah!" Hindi makapaniwalang sabi ng mga kaibigan ni Sky

"Am i dreaming?" Hindi makapaniwalang sabi ni Ken

"Ang galing naman!" Sabi ni Travis

"Patay na ba ako?" Binatukan naman ni Liam si Brent sa kanyang sinabi.

"Bakit gusto mo ng mamatay?" Umiling naman si Brent sa sinabi ni Liam

"Yan pala ang tinatago sa atin ni Sky" iling-iling na sabi ni Liam

"Ang gwapo at ganda nila diba?!" Napalo na din ni Tamara ang katabi niyang si Brent.

"Miss, maghinay-hinay ka lang" natatawang sabi pa ni Brent

"Anong Miss? Si Tamara to oh" sabi niya at tinanggal ang mask niya.

"T-tammy?" Gulat na sabi ng binata

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong pa niya

"Syempre sinusuportahan ang kaibigan namin" sabi ni Tamara at nagsitanguan naman ang iba bago nila tinanggal ang kanilang maskara.

"Kiana my loves!" Bigla namang lumapit si Travis kay Kiana at hinawakan ang kamay nito.

Sobrang bilis naman ng tibok ng puso ni Kiana. Normal na sa kanya ang mga gantong moves ni Travis. Sa katunayan, nanliligaw ma sa kaniya si Travis pero hindi niya lang sinasabi sa mga kaibigan niya.

Hindi naman niya maitatanggi sa sarili niya na mahal na niya ang binata dahil nung una palang at mabait na ito sa kanya kahit pa na may pagkapilyo ito.

Nakikita naman niya din ang pagbabago nito. Hindi na rin niya nakikitang nambababae ito.

At nagpapaalam na si Travis sa tuwing aalis siya dahil nag-aalala siya na baka magalit sa kanya si Kiana.

"Namiss kita" sabi niya kay Kiana

Hindi rin naman akalain ni Travis na isang tulad ni Kiana siya mahuhulog. Basta ang alam niya, ayaw niyang mapunta pa sa iba ang babaeng mahal niya.

"Sica, gusto mo pakasal na tayo?" Biro ni Liam kay Jessica

"Sige ba Li" nanlaki naman ang mga mata niya sa sinabi ni Jessica

"Talaga?" Di makapaniwalang sabi ni Liam

"Syempre naman........ Biro lang yun" napabusangot naman si Liam at natawa na lang si Jessica

"Aww, ang cute nila tingnan" nakangiting sabi ni Alexa habang nakatingin kay Hell at Sky.

"Pero mas cute ka sa kanila" sabi ni Kenneth na nasa tabi niya lang.

Nagpalit-palit na rin sila ng pwesto. Namula naman si Alexa sa sinabi ni Kenneth.

"Sige lang, bola pa" sabi niya at marahang hinampas ang braso ni Kenneth

"Hindi ako nambobola no" sabi ni Kenneth

"Oo na lang" at sabay na tumawa si Kenneth at Alexa.

Sa kabilang banda naman, hindi pa rin makapaniwala si Hell sa nakikita niya.

I Am Demon QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon