Chapter 21

10.7K 268 1
                                    

Hellistine's POV

Nandito ako ngayon sa bahay namin. Ang laki nga ng bahay na to eh dadalawa lang naman kami.

"Ui Hell, galit ka pa rin ba?"

Kanina pa siya nagtatanong pero dinededma ko lang.

Alam niya rin palang titira lang kami sa isang bahay. Bwiset talaga siya! Hindi man lang sinabi sa akin.

Pumunta naman ako sa kwarto ko at sinaa yung pinto. Narinig ko pa yung mga katok niya. Tsk. Bahala talaga siya diyan.

"Aish"

Napatingin naman ako sa kwarto ko. Parang ganun din naman sa kwarto ko sa bahay namin.

Actually kanina pagdating ko, sa iisang kwarto lang nakalagay yung mga gamit namin. Mabuti na lang at tatlo ang kwarto dito at yung isa, master's bedroom at yung dalawa ay simpleng bedroom lang pero malaki din naman.

Hinakot ko lahat ng gamit ko papunta sa isang kwarto. Ayoko ngang makasama siya matulog.

Bilib din naman ako kay daddy kasi lahat talaga ng mga gamit ko sa kwarto ay nandito. Agad ko namang tinago sa pinakasuluk-sulukan yung gamit ko bilang si Queen.

Oh diba, maski yun ay dinala niya pa dito. Matapos kong magpalit ng damit pantulog ay humiga na ako sa kama.

"Hell!"

Hanggang ngayon ba ay nambubulabog pa rin siya.

"I want to sleep so stop disturbing me!" Sabi ko pabalik.

"Hindi ako makakatulog hangga't hindi mo ako kinakausap!" Rinig ko pang sabi niya

At maya-maya lang ay nakarinig ako ng parang susing binubuksan yung pinto. Oh fvck! He have the keys!

"Fvck you Sky! Don't try to open that door!" Huli na ng pigilan ko yung pinto kasi nabuksan na niya.

"It's too late" sabi pa niya

"Argh! I really hate you Montereal!" Inis na sabi ko at nagtalukbong ng kumot.

Naramdaman ko namang humiga din siya sa kama ko.

"Huwag kang hihiga diyan!" Kahit na hindi ko siya nakikita ay sinabi ko pa rin yun.

Bigla niyang hinila yung kumot ko.

"Bwiset ka talagang lalaki ka! Get out of my room now!" Utos ko sa kanya pero umiling naman siya.

"Sabihin mo munang hindi ka na galit sa akin"

"D*mn it Sky! Get out!" Pinanlakihan ko pa siya ng mata pero mukhang walang talab.

"If you don't want to get out then i will be the one who should go out" patayo na sana ako sa kama ng hilahin niya ako kaya naman napahiga na naman ako.

Bigla naman niya akong niyakap.

"U-ui Sky, ano ba"

Feeling ko hindi ako makagalaw. Nararamdaman ko ng yung hininga niya sa leeg ko.

I feel like i'm getting crazy! Also my heart beat fast! What the heck!?

"Tabi na lang tayong matulog"

"Nasisiraan ka na ba ng ulo? Tayo magtatabi matulog?" Nakahinga naman ako ng maluwag ng natanggal ko yung pagkakayakap niya sa akin.

"Ano namang mali dun? Sooner magiging Mrs. Montereal ka na rin" sabi niya at ngumisi.

Nag-init na naman ang pisngi ko dun. Putik! Hindi naman ako ganto dati ah! Ano bang nangyayari sa akin?

"Aish! You making me crazy! Get out of my room now!" Siya naman ay patawa-tawa lang.

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now