Chapter 26

10.1K 246 2
                                    

Hellistine's POV

Naglalakad kami ngayon sa hallway ni Sky dahil papunta kami sa tambayan nila.

Biglang nag-ring yung phone ko at si Kuya yung caller.

"Yes Kuya?" Tanong ko

"Hime, it's about dad" bigla akong kinabahan sa sinabi niya. Pero nanatiling kalma yung boses ko.

"What's about him?"

"Naaksidente siya kanina Hime at kasalukuyan siyang nasa operating room ngayon"

Hindi ko magawang magsalita pa. Si dad? Naaksidente?

"Hell, are you ok?" alalang tanong ni Sky

"Sky, my dad"

"Anong nangyari kay Tito?" Tanong pa niya

"Naaksidente siya" maski siya ay nagulat din.

Binigay naman sa akin ni Kuya yung address at agad-agad kong pinuntahan yun. Kasama ko rin si Sky.

Nang makarating ako agad akong nagpunta sa operating room at nakita ko si mommy na umiiyak at si Kuya na nakayakap kay mom.

"Kuya, mom"

"Hime/Sweetie" agad akong lumapit sa kanila

"What happen?" May luha na ring tumulo galing sa mata ko.

Sasagot sana si Kuya ng biglang lumabas yung doctor mula sa operating room.

"D-doc ano na pong nangyari?"

"I'm sorry, pero the patient is in coma now. Masyadong napuruhan yung ulo niya kaya inaasahan na talaga namin ito at ang magagawa na lang natin ay ang maghintay kung kailan siya magigising"

Hindi ko na talaga napigilan at tumakbo ako palabas ng hospital.

Dun ako umiyak ng umiyak. Bakit nangyari to?

Oo, alam kong malaki ang galit ko kay dad pero bakit kailangan pang humantong sa ganito?

"Hell" nakita ko ang nag-aalalang itsura ni Sky

"S-sky" mas lalo akong napaiyak ng niyakap niya ako.

"Magiging okay din ang lahat"

Iyak lang ako ng iyak. I love my dad even though he's doing something that made me mad.

"S-sky masama ba ako?" Tanong ko at nakita ko namang umiling siya.

"No you're not. Kahit na ganyan ka alam ko na may mabuti ka pa ring puso" i smiled weakly.

"Then why is this happening?"

"It's just an accident. Walang may gusto na mangyari yun" Sky

Muli na naman akong napaiyak. Bwiset! Edi kung alam ko lang na mangyayari to edi sana naging mabait na ako kay dad.

"Magigising pa naman siya diba?"

"Hindi natin alam pero alam ko malakas ang daddy mo kaya magigising din siya at wag ka na ngang umiyak" pinunasan ko naman yung luha ko.

"Thanks, thanks for comforting me again" sabi ko at yumuko.

"Humarap ka nga sa akin" humarap naman ako sa kanya.

"Kahit ano pa yan, dadamayan kita that's because i love you"

Niyakap na naman niya ako. Ramdam kong nag-init na naman yung pisngi ko at yung puso ko ang bilis na naman ng pagtibok!

Pero hindi ko napigilan at yumakap ako pabalik then i flash a smile.

Tamara's POV

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now