Chapter 3

13.8K 365 8
                                    

Hellistine's POV

Sa monday na ang pasukan at sabado na ngayon. Hanggang ngayon ay hindi ko pa din makalimutan yung mga walang hiyang nagpanggap bilang kami.

Sa tuwing naiisip ko yun ay nag-iinit lang ang ulo ko.

"Any updates Olivia?" Tanong ko sa babaeng kaharap ko ngayon.

"Actually meron na Hell" sagot niya

She's Olivia Park, pinsan ko at isa rin siyang detective. Nagpapatulong ako sa kanyang hanapin yung apat kong kasamahan.

What i mean is, yung apat kong kaibigan. Nalaman ko kasing nasa Pilipinas lang yung apat na yun. At sila din ang mga ka-gang ko.

"What is it?" Tanong ko

"I already knew where Kiana Ford is" siya at parang bigla naman akong naexcite. Excite to see her.

"Then let's go" sabi ko at lumabas na kami at sumakay ako sa kotse ko. Nakasunod lang ako sa kotse ni Olivia.

Medyo malayo-layo na din ang nabyahe namin bago kami makarating sa bahay kuno ni Kiana.

Nagdoorbell agad ako at walang lumalabas.

"Sigurado kang dito talaga yung bahay niya?" Tanong ko kay Olivia

"I'm 100% sure Hell" confident na sabi niya

Nagdoorbell pa ako ng ilang beses bago bumukas yung pinto.

"Sino kayo? At anong kailangan niyo?" Tanong niya at tinaasan ko naman siya ng kilay

"Hoy Miss! Kung tataasan mo lang ako ng kilay diyan pwede ba umalis ka na lang sa bakuran ng pamamahay ko!" Mataray na sabi niya

"What if i don't?" Sabi ko

"Ang kapal naman ng mukha mo! Ikaw nga tong nasa pamamahay ko ikaw pa tong may ganang manghamon!" Siya

"Pwes kung hinahamon mo ako hinding-hindi kita uurungan. Anong akala mo sa akin? Natatakot ako sayo? Ha! Nagkakamali ka!" Dagdag niya pa at nagbanat pa ng mga buto.

Nakita ko namang umilaw ng pula yung relo ko at nagvibrate ito. So may balak talaga siyang saktan ako ah.

Siya nga pala si Kiana Ford, one of the Slayers a.k.a. "Phoenix", ang war freak sa grupo namin. Base on her acts, hindi niya ako makilala.

"You don't know me?" Tanong ko

"Ano sa tingin mo? Kilala kita? Pwede ba magisip-isip ka naman! Tsaka umalis ka na nga dito!" Itutulak niya sana ako ng saluhin ko yung kamay niya gamit yung kanang kamay ko.

"So hindi mo talaga ako makilala ha, ang bilis mo naman atang makalimot"

Sabi ko at binitawan yung kamay niya then dumiretso akong pumasok sa loob ng bahay niya. Sinenyasan ko naman si Olivia na maghintay na lang sa kotse.

"Hoy! Kung sino ka mang babae ka! Umalis ka nga dito sa pamamahay ko! Alam mo bang tresspassing yang ginagawa mo!"

"I know what i'm doing" umupo naman ako sa sofa niya. Infairness ah, malambot yung sofa niya.

"Alam mo kanina ka pa ah!" Dahil sa ang ingay niya kaya naman binato ko siya ng unan na nandito sa sofa.

"Ang kapal naman tala------"

"Your one of the Slayers right?" Tanong ko na nakapagpatigil naman sa kanya.

"Right?" Sabi ko sabay ngumisi

"H-how did y-you know?" Utal at gulat na sabi niya

"It's just simple. I know you and you know me" mukhang naguluhan naman siya sa sinabi ko. Seriously? Hindi niya ba talaga ako maalala?

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now