Chapter 12

11.9K 321 6
                                    

Hellistine's POV

Nandito na kami ngayon sa E.U. at hinihintay na lang namin yung iba pa. Ngayon ang outdoor activity namin.

Nang makumpleto na kami ay may sinabi naman yung prof.

"Mas magandang ang pagkakaupo niyo sa bus ay by pair na lang" prof.

Bakit kailangan pang by pair? Pwede namang kahit sino na lang. Psh. Daming kaartehan.

Isa-isa naman kaming pumasok sa bus at dahil by pair nga kaya naman ang katabi ko ay si Sky. Ako ang umupo sa may tabi ng bintana.

Ngayon ko lang napansin na ang gwapo niya sa suot niya kahiy na isang simple gray shirt and shorts lang ang suot niya. Para lang siyang magbabakasyon. Sama mo pang may suot siyang shades at may headphone na nakasabit sa leeg niya-----

Wait, what the fvck am i saying?

"Done checking me out?" Ngising sabi niya

"Kapal" yan na lang sinabi ko at tinuon yung tingin ko sa labas ng bintana.

Hanggang sa naramdaman kong umandar na yung bus na sinasakyan namin.

Nilabas ko din yung headphone ko. Anong akala niya, na siya lang ang may headphone. Nakinig na lang ako ng music.

Hanggang sa nakaramdam ako ng kalabit. Pero hindi ko yun pinansin pero maya-maya lang ay kumalabit na naman.

"Ano ba?" Inis na sabi ko at tinanggal ko yung headphone ko.

"Can i lean on your shoulder?" Parang bata siyang nagtatanong ngayon. Narinig ko naman ang tawa ni Liam. Katapat lang namin ang upuan nila ni Jessica.

"Pagpasensyahan mo na yang si Sky, Hell. Ganyan talaga yan kapag nakasakay sa bus, gusto niyang nakasandal sa balikat ng isang tao" sabi ni Liam

Tiningnan ko naman uli si Sky. Tinaasan ko siya ng kilay.

"I don't want"

"Sige na" pamimilit niya pa pero tumanggi lang uli ako.

Nagulat na lang ako ng bigla siyang sumigaw at tumayo.

"Stop!" Napapreno naman yung bus at muntik pa siyang matumba. Anong problema niya?

"Mr. Montereal? Anong problema?" Tanong nung prof namin. Hindi sumagot si Sky at dire-diretso sa paglabas sa bus.

"Aish, sinumpong na naman yun" sabi ni Ken at lumabas din sila ng bus.

"Tara Hell, tingnan natin kung anong nangyayari" bigla naman akong hinila ni Alexa palabas ng bus.

"Ayoko" yannang rinig kong sabi ni Sky

"Tara na Sky, naistorbo mo pa yung byahe" sabi ni Liam

"Kayo na lang hindi na ako sasama, ayoko ng sumakay sa bus" napailing na lang si Liam

"What's happening?" Wala sa sariling tanong ko

"Ganyan si Sky kapag hindi nasusunod yung gusto niya" sabi ni Brent

"Ang kulit mo naman bahala ka, tatawagan ko si Tita na----"

"Subukan mong gawin yan at ikaw ang matatamaan sa akin" pagbabanta niya kay Travis. Lumapit naman sa akin si Liam.

"Hell, tulungan mo nga kami" sabi ni Liam

Pansin ko ding nagsibabaan na yung mga nasa bus at nakikiusyoso sa kung anong nangyayari dito.

Kinakausap na din nila Ken at Brent yung prof namin.

"Why me?" Tanong ko sa kanya

"Basta, amuhin mo na lang siya"

I Am Demon QueenWhere stories live. Discover now