Chapter 33 The Car Accident

841 31 11
                                    

Daniella's POV

Wala sa sariling pumasok ako sa loob ng bahay namin. Sobrang bigat ng pakiramdam ko. Naguguluhan na ako. Naturingan akong matalino pero hindi ko man lang magamit yun sa sitwasyon ko ngayon.

Pagpasok ko, nakita ko si Winter na naka-abang sa pinto. Bigla ko na lang siyang niyakap at tumulo ulit ang luha ko. Alam kong hindi dapat ako umiyak dahil panigurado magtatanong na naman sila. Pero hindi ko mapigilan! Bakit ba hindi man lang ako pagbigyan ng tadhana na sumaya? Kahit isang beses lang! TT___TT

"Mommy, what happened? Bakit ka umiiyak? Nag-away ba kayo ni Tito Blake?" tanong niya sa akin habang magkayakap pa dn kami. Sabi na eh, magtatanong siya.

"No Baby. Wala yun." pagsisinungaling ko.

"I heard the two of you shouting. Is there something wrong mommy?" napaharap ako sa kanya nun. Narinig niya kami? Narinig niya kaya ang pag-uusap namin?! Tinitigan ko siya nun at mukha namang wala pa din siyang alam kaya nakahinga ako ng maluwag.

"Bakit hindi ka pa kumakain? Halika na. Kain na tayo." pag-iiba ko ng usapan. Kailangan wala siyang malaman dahil alam ko na kapag nangyari yun, magagalit sa akin ang mga anak ko. Kinarga ko siya nun at dinala ko na siya sa may dining area para maka-kain na kami. 

Tahimik kaming kumain. Puro tunog lang ng kutsara at tinidor na tumatama sa plato ang maririnig mo. Napansin ko din na wala silang ganang kumain. Hindi na ako nagtaka, kahit ako wala ding ganang kumain ngayon. Idagdag mo pa na gulong gulo ang puso't isip ko ngayon. 

Pagkatapos naming kumain, nag kiss na sila sa akin at pumunta na sa kwarto nila, ako naman tinapos ko pa ang paghuhugas ng plato. Wala pa si Sam ng umakyat ako sa kwarto. Mas maigi na yun. Ayoko pa ding makita ang pagmumukha niya. Baka sa kanya ko lang ibuhos lahat ng sama ng loob ko ngayon.

Sinigurado kong naka-lock ang pinto. Naninigurado lang na walang gagawing masama si Sam. Nagpalit na ako ng pantulog ko at humiga na ng patagilid at nakaharap sa bintana. Hindi ko maiwasang maalala ang reaksyon ni Blake kanina. Kung paano niya ako iyugyog sa sobrang galit niya. Nakita ko na siyang galit dati, pero iba na ang sitwasyon ngayon. NAMAN!!! Bakit ba kasi ang gulo!! Ano bang dapat gawin ko? Dapat ko na bang sabihin sa kanya?

"HINDI!!! Hindi yun pwede Ella!!!" saway ko sarili ko. Umiba ako ng pwesto ng pagkakahiga at humarap naman sa may pinto. Hindi ko nga pwedeng sabihin! Mas malaking gulo yun! At kapag nakarating yun kay Daddy, PATAY NA! WAAAAAAAAHHHH!!!! Pero papaano naman si Blake? Alam kong kahit na anong gawin ko, hindi pa din siya titigil. Gusto niyang makuha sa akin ang mga anak ko. Ano na bang gagawin ko?! Hindi ko na talaga alam. Ano kaya kung umalis na lang kami dito sa Pilipinas? Bumalik na lang kami sa France. O kaya sa America. Mas maigi yun! Malalayo ako sa kanya. Wala ng gulo.

Kaya mo ba Ella? kaya mo bang layuan si Blake? my inner thought asked me. I closed my eyes at naramdaman ko na lang na may tumulong luha sa mukha ko.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang