Chapter 2 The Decision

1.7K 37 13
                                    

Blake's POV

"No Dad!! Hindi ako papayag sa gusto mo!" sigaw ko sa kanya. Bakit ako ipapakasal sa taong di ko naman kilala?! 

"Anak, wala na tayong pag-asa. Nauungusan na tayo ng iba't-ibang kumpanya."

"May pag-asa pa tayo dad! Andito pa ako!! Kaya natin yun! Konting oras lang dad."

"Blake, alam mo na pagdating sa business, Time is luxury. Masasayang lang ang oras natin kung ganun ang gagawin mo! At isa pa, isipin mo na lang na ginagawa ko din to para sayo. para makalimutan mo na si Daniella."

*BOOOOGSSSHHHH!!!!*

Napatayo ako nun bigla at nahampas ko ng malakas yung lamesa sa harap ko. 

"Just give me time dad. Magagawa ko ding i-angat yung kumpanya natin." sabay lakad ko papunta sa pinto at nung mahawakan ko na yung door knob nilingon ko ulit si Dad.

"At huwag na huwag mong sasabihing ginagawa mo yun para makalimutan ko si Daniella. Dahil wala akong balak na kalimutan siya." binuksan ko na nun yung pinto at umalis na ako dun sa office niya.

Kailangan ko ba talagang magpakasal sa iba para lang maka-survive ang company na to?! isa-sakripisyo ko ang sarili kong kasiyahan para lang dito?!

Tss. Ang tanong kung masaya ba ako!

Hindi ito ang tamang oras para mag-ganyan ganyan ka Blake! Dapat hindi malugi ang kumpanya!

Kinuha ko na yung telephone nun para tawagan yung secretary at agad naman niya yung sinagot.

"Pakisabi sa lahat ng Department Head na magpapa-emergency meeting ako... 2PM. " Binaba ko na ang tawag nun matapos kong masabi lahat. Hinanda ko na din ang sarili ko.

Ito na Blake. Kakayanin mong i-angat ang kumpanya. Ginamit ko na ang natiira ko pang oras para paghandaan yung sasabihin ko sa kanila. 

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now