Chapter 9 It's Winter again

1.5K 30 8
                                    

Aldrian's POV

"Miss okay ka lang? Sorry. Hinahanap ko kasi yung asawa ko eh." Sabi ko dun sa babaeng nabangga ako. Hindi naman yun kalakasan, pero tinanong ko pa din dahil baka nasaktan siya.

Hinawi niya lang nun yung buhok niya.

"Okay lang ako." sagot niya sa akin. Napakunot noo ako nun bigla.

Her voice. There's something with her voice.

"Ganun ba? Sigurado ka ba?" tumango siya nun sa akin at ngumiti.

IMPOSIBLE!!!

"A-ah-ahhh! Sige, mauuna na ako miss." naglakad na ako nun. Hindi pwedeng mangyari yun!

"Sige, see you again...... Aldrian." napatigil na lang ako sa paglakad ko nun.

Tinawag niya ako.

Siya nga.

Siya nga si Daniella!!

Pero paano nangyari yun?!?!!

Anong ginagawa niya dito?!

Nagkita kaya sila nila Blake?!

Nilingon ko ulit siya nun sa likudan ko pero wala na siya.

Naguguluhan na ako. Ano bang gusto niyang mangyari?!

"Aldrian!" agad akong napalingon nun nung marinig ko yung boses ni Sheena.

"Kanina pa kita hinahanap Aldrian. Umiiyak na daw si Jedd! San ka ba nanggaling?"

"Dito lang. Kanina pa nga din kita hinahanap eh! Tara na?" tumango na lang si Sheena nun sa akin at umalis na kami. 

nagpa-alam na din kami nun sa mga kaibigan namin bago kami umalis.

At hanggang sa pagkarating namin sa bahay, yun pa din ang nangingibabaw sa isip ko.

Buhay si Daniella.

Teka?

Kung buhay siya,

Sino yung nakalibing sa sementeryo?!

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now