Chapter 8 The Engagement Party

1.5K 35 7
                                    

Blake's POV

Nagmamadali na akong umalis ngayon ng bahay papunta sa Vixen's Restaurant. Pinapapunta ako dun ni Dad. Ang dahilan hindi ko alam. 

Pero mukhang may hinala ako na tungkol na naman ito sa kumpanya. Hanggang ngayon kasi hindi ko pa nagagawang mai-angat ang kumpanya namin. Ewan ko ba, parang lahat na ng paraan ginawa ko na, pero ayaw talaga.

Nung makarating ako sa restaurant, agad akong nag park at pumasok nun sa loob.

Hindi naman ako nahirapang hanapin dun si Dad dahil nakita ko agad siya. Pero bahagyang napakunot yung noo ko nun at napa-isip kung sino ba yung kasama niya.

Ang akala ko kaming dalawa lang?

kahit na may tanong sa isip ko eh naglakad na ako papunta nun kay Dad. Pansin ko nga na ngiting ngiti ngayon ang dad ko. Ano bang meron?!

"Dad." bati ko agad nung makarating ako sa tabi niya. Dun ko tinignan ang ka-table nun ni Dad. Nakita ko dun ang isang matandang lalaki at si........ Christine na malawak na naman ang ngiti.

Mukhang nagkamali ata ako ng hinala.

Tumayo sa kinauupuan si dad at ganun din naman si Christine pati yung lalaki na daddy niya ata.

"Anton, this is my son, Blake Anthony Blurge. Blake, this is Mr. Anton Valderama, Christine'es father." 

"Nice meeting you po." nakipag kamay ako sa daddy ni Christine saka kami naupo. 

Mukhang alam ko na ang magiging takbo ng usapan na to. 

Nung makalapit sa amin yung waiter at nabgyan kami ng menu ay kanya-kanya na silang bigay ng mga order nila. Ako naman ay kahit ano lang ang inorder. Para mas mabilis na tong matapos.

Ang ibig kong sabihin, para san pa at patatagalin pa ang usapan na to? Ikakasal lang naman kami hindi dahil mahal namin ang isa't-isa kung hindi dahil palubog na ang kumpanya namin. Sa makatuwid, gagamitin ko lang siya. Gagamitin niya lang din ako. Maggagamitan lang kami. Kaya hindi na kailangang pag-planuhan pa.

"Nga pala Blake, Na-kwento sa akin ni Christine na nagkita at nagka-usap na pala kayo ng hindi ko man lang nalalaman." sabi sa akin ni dad na hindi mo maitatago ang mapanuksong ngiti niya sa mga labi.

Mga matatanda talaga. -.-

"Yes dad. Nagpunta kasi siya sa kumpanya nun and then she -- I mean I asked her to go on a date para mas lalo pa kaming magkakilala." 

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now