Chapter 5 Winter & Summer

1.6K 32 9
                                    

Blake's POV


Andito na kami ngayon sa mall. Ewan ko nga din kung bakit ako napapayag ng babaeng to na magpunta sa mall.

Somehow, napapangiti ako sa kanya. but i still find it strange. Kung ano yun, hindi ko alam.

Pagdating namin sa mall eh nagpark na ako agad. Pinatay ko yung engine ng kotse at lumabas na para pagbuksan ng pinto si Christine. 

Mas matangkad ako sa kanya kahit naka-heels na siya. Mukha din siyang hindi makabasag pinggan.. Manipis lang yung mga labi niya na nababalutan ng lipstick...

"May dumi ba ako sa mukha?" nataranta ako bigla nun at umiba ng direksyon ng tingin..

Ilang minuto ba akong nakatingin sa kanya?!

"Wala naman. Tara na nga!" hinawakan ko na yung kamay niya nun. At naglakad na kami papasok ng mall..

Napasilip ako sa kanya nun at nakangiti siya ng palihim. Napaka-cute talaga..

Pagkapasok namin ng mall, alam ko na kung saan niya gustong pumunta.

Nakatingin kasi siya sa taas nun at kung hindi ako nagkakamali eh nakatingin siya sa bagong design na dress collection na poster. 

Yun yung company nila Chin ah! Mukhang umuunlad ang kumpanya nila ah!

"Gusto mo yung mga collection ng damit?" sabi ko sa kanya..

"Ahh! Hindi! Ano lang, napansin ko lang. Ang ganda kasi eh. Pwede pa tayong pumunta?" sabi niya sa akin. Para siyang batang nagmama-kaawa para sa isang lollipop.

"Sige ba. Tara punta tayo!" sabi ko nun sa kanya.. Naglakad na kami nun papunta sa escalator dahil sa 3rd floor yung botique. Pagdating nga namin dun ay namangha talaga agad si Christine.

Mahilig siguro sa fashion si Christine. Kung titignan mo naman kasi yung suot niya, yun na agad yung masasabi mo. Pero ang hindi ko lang talaga makuha eh, iba yung ugali niya sa paraan ng pananamit niya. Ang inosente ng ugali niya pero medyo may pagka liberated ang pananamit.

Lumapit na agad siya nun sa may red na dress na kumikinang na andun sa may poster kanina. 

Parang kuminang din yung mata niya nung mahawakan niya yung damit. Kaya naman ako ay lumapit na din sa kanya..

"Im sure, babagay to sa akin!" narinig kong sabi niiya nung makalapit ako.

"Mahilig ka talagang mag-suot ng mga damit na ganyan?" tanong ko sa kanya. Nakakapagtaka lang kasi talaga.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now