Chapter 21 Trapped in the forest

1.4K 34 12
                                    

Chin's POV

Past seven na nun at hindi pa bumabalik si Ella at Blake. 

Sila danine ang unang nakabalik dito at may dala silang 12 boxes. Sila ang nanalo. Yung iba kasi eh wala ng nakita. nakabalik na agad silang lahat dito bago pa magdilim.

Asan na kaya yung dalawang yun??

"JAAAAKEEE!!!" tinawag ko siya ng malakas sa sobrang kaba ko.

Baka mamaya kung saan na natrap yung dalawang yun eh!

Kaagad siyang lumapit sa akin na may dala dalang biskwit.

"Bakit hon?"

"Hindi pa nauwi sila Ella at Blake! Kinakabahan na ako! Baka may nangyari na sa kanila!" nagpapanic na ako. Sisisihin ko talaga ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanila.

"Hmmm. Let me think.." hinawakan ni Jake nun yung baba niya at tumingin sa langit na akala mo ay nag-iisip talaga.

Napa-angat yung isang kilay ko sa kanya habang inaantay ang sagot niya.

"Hindi pa sila nabalik, madilim sa kakahuyan, silang dalawa lang ang andun. Baka may nangyari na nga honey. Alam mo na. Lovers stuff." sabay kindat sa akin ni Jake.

Sa sobrang inis ko eh tumingkayad talaga ako para mabatukan ko siya! BIGTIME!!!

"Aray! Bakit mo ako binatukan?! Argh!!" reklamo niya habang hinahawakan yung ulo niya at napayuko pa sa sobrang sakit.

"Hindi kasi ako nakikipag biruan Jake!! It's a matter of life and death situation! Paano kung may nangyaring masama sa kanila?!"

"Linawin mo kasi sa akin kung ano ba yung sinasabi mo para hindi iba yung napasok sa isip ko." sabi niya habang sinasapo pa din ulo niya na nabatukan ko.

Sobrang lakas nga ata talaga.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now