Chapter 26 Revelations

1.2K 26 5
                                    

(A/N): I am really sorry the super bagal na update. Writer's Block is the main reason tapos nawala ko pa yung outline ko ng mga events kaya yun. But now, here's my update. 

And I wanna say thank you everyone who's reading this story. Hindi ko nga aakalain na aabot ako sa 10+ readers dito. Dun palang masaya na ako. Atleast may nakaka-appreciate ng story ko.

Feel free to share your comments. It will help me to know your comments, suggestions coz it can improve my writing skills. Also, it inspires me and motivates me. Thanks a lot!

_______________________________________________________________

Ella's POV

Magkasunod lang ang kotse namin ni Glaii ng makarating kami sa bahay. Agad akong lumabas nun para salubungin sila Winter at Summer. Nakita ko na palabas na din sila ng sasakyan.

Hahawakan ko sana nun yung kamay ni Winter pero umiwas siya at agad na tumakbo sa loob. Tumingin ako nun kay Summer at nakita ko na yumuko na lang siya at pumasok na din sa loob ng bahay.

Susundan ko sana sila pero pinigilan ako ni Glaii at hinawakan ako sa kamay.

"Bayaan mo na lang muna sila." sabi sa akin ni Glaii. She hugged me and pat my back instantly trying to comfort me.

"Glaii, bakit hindi nila ako naiintindihan? Tama naman yung ginawa ko diba? Para sa kanila din naman yun eh." hindi ko na napigilan ang sarili ko na umiyak. Galit na sa akin ang mga anak ko. Now they hated me so much! 

HIndi ko maisip kung anong gagawin ko ngayon. Papaano kung magalit na sa akin ng tuluyan ang anak ko? Paano kung bigla na lang lumayo ang loob nila sa akin? Paano kung tanungin nila ako kung bakit ko yun nagawa? Kung bakit itinanggi ko na anak ko sila? Yan ang mga bagay na pwede mangyari ngayon at pinagdadasal ko na sana huwag mangyari, dahil kapag nangyari yun, hindi ko alam kung anong gagawin ko.

Pumasok kami ni Glaii sa loob ng bahay at inalalayan akong umupo sa sofa habang umiiyak pa din ako. I can feel my knees trembling. I am scared of the thought that my kids will hate me for what I've done. Naramdaman ko ang paghagod ng kamay ni Glaii sa likod ko. Enough to make me feel comfortable. Buti na lang at andito siya. She's been always by my side for the last 5 years and I hope she will be always by my side. Siya lang ang nakaka-alam ng lahat lahat ng tinatago ko at nararamdaman ko sa loob ng limang taon. TInulungan niya ako sa pagpapalaki sa dalawa kong anak. Bagay na hindi man lang naibigay sa akin ni Sam. Sabagay, bakit ko nga ba hihingiin ang tulong niya?

I rested my head on Glaii's shoulder. I'm still crying. Hindi ako kinakausap ni Glaii dahil alam niyang pag ang mga anak ko na ang pinag-uusapan, nagiging sensitive ako. As I closed my eyes, my tears escaped. Ramdam ko na ang sakit ng ulo ko. Nakakaramdam ako ng gutom pero wala akong ganang kumain. Mas gusto ko na lang na matulog. Hoping tomorrow whem I wake up, everything will be fine again.

-----

Nagising ako ng mayroong liwanag na tumama sa mata ko. I opened my eyes slowly at nakita ko na pumapasok ang liwanag galing sa araw mula sa bintana. Umaga na pala. Tinignan ko kung nasan ako at nalaman kong nasa kwarto pala ako. Kung sino ang nag-akyat sa akin hindi ko alam. Imposibleng si Glaii dahil mas malakas pa nga ako dun! Napansin ko na naka nighties na lang din ako. Hindi ko na lang yun pinansin.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now