Chapter 7 Chin's thoughts

1.5K 31 13
                                    

Jenn's POV

Hello to earth! Oh well, andito kami ngayon sa mall with my beshie Sheena. Chinecheck kasi namin yung latest design na damit na feature sa botique nila Chin.

Dapat nga kahapon pa kami pupunta eh, kaso tong si Sheena eh binabantayan daw si Jedd. (Si Jedd ang anak ni Sheena at Aldrian.) 

Buti nga at hindi na niya kailangang bantayan si Jedd ngayon dahil andyan si Aldrian.

At ngayon nga ay, naghahanap kami ng dress, malapit na kasi ang birthday ni Chin! Kaya alam mo na, kailangang maging MAGANDA kahit na maganda na kami!

"Sheena! Sa tingin ko babagay to sa'yo!" sabay abot ko nung dress na nakita ko. Color Yellow siya na venus cut. Simple pero ang eleganteng tignan.

"Patingin nga?" lumapit sa akin nun si Jedd at kinuha sa akin yung damit tapos ay tinapat sa katawan niya sabay tingin sa salamin. Napakunot yung noo niya nun.

"Parang hindi naman."

"Isukat mo kasi! Dun tayo sa fitting area!" sabay hatak ko sa kanya at pinapasok siya dun sa fitting room. Naangal angal pa nga sya eh pero wala siyang magagawa! Hahahaha!

Ako naman eh naghanap hanap na lang din muna ng damit. Syempre, hindi pwedeng si Sheena lang ang meron! 

tama nga si Chin. Madami ngang bagong designs. At puro sexy cut ang karamihan! OHLALA!!!

Nasa kasagasagan ako ng pagpili nun ng may narinig akong something na ingay sa may bandang cashier. Eh isa akong dakilang chismosa na may class, tumingin ako.

"What?? Wala na kayong stock?! I called you yesterday at nag pa-reserve ako. What kind of boutique is this?! Sana nagsara na lang kayo!" sigaw niya dun sa isang babae. Bigla akong nainis nun! Bukod sa sinisigawan niya yung empleyedo ng botique eh, nilait niya pa yung mismong botique! NO WAY! kaibigan ko ata ang may ari nito!

Lumapit ako dun sa Cashier. Nakita ko namang umayos din ng tayo ang ibang employee habang papalapit ako. 

Nakalimutan kong sabihin na, kilala pala kaming beshies dito! 

Pagkalapit na pagkalapit ko pa lang ay nagsimula na namang magtatatalak talak yung babae.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon