Chapter 32 She's Back + DNA Result

994 25 9
                                    

Ella's POV


Maaga akong umalis sa bahay ngayong umaga.

Wala akong balak makita si Sam. Kapag nakita ko siya, baka maalala ko lang ang kawalang hiyaang ginawa niya sa akin. Hinding hindi ko talaga yun makakalimutan.

Iniwanan ko na lang ng pagkain ang mga anak ko bago ako umalis. Hindi din ako nakaligtas sa mga tanong nila kagabi kung bakit may mga sugat ako sa labi at namamaga ang mata ko na ngayon ay hindi na masyadong halata. Syempre, para hindi lumaki ang gulo, nagsinungaling ako sa kanila.

Sumakay na ako sa kotse ko at umalis. Pupuntahan ko ngayon si Yaya Fely sa dati naming bahay. Alam kong andun pa din siya at namamahala sa bahay namin. Siya lang naman ang mapagkakatiwalaan ni daddy dun dahil nasa ibang bansa ang mga kapatid ko.

Kung tatanungin niyo ako kung anong gagawin ko dun, kukunin ko kasi si Yaya Fely para alagaan ang anak ko. Siya lang ang pwede kong pagkatiwalaan at kunin na mag-aalaga sa mga anak ko. Ngayon alam kong kayang manakit ni Sam, nangangamba ako sa kaligtasan ng anak ko.

Isa pang inaalala ko ay si Blake. Mukhang wala talaga siyang balak sumuko. Kagabi nung malaman ko na kasama niya ang mga anak ko, hindi ko na halos malaman ang gagawin ko. Akala ko hindi ko na sila makikita ulit! Shemay! Hindi ko alam ang gagawin ko pag nagkataon!

Hati ang nararamdaman ko sa tuwing iniisip ko ang bagay na yun. Gustong gusto ko ng sabihin sa kanya ang totoo. Gusto kong makawala na sa pagkakakulong ko kay Sam at sumama na kay Blake. Gusto kong bumawi sa kanya at ibigay ang lahat lahat para mapasaya siya. Pero hindi pwede. Lahat ng yun hanggang pangarap na lang. Masasaktan lang siya kapag ginawa ko yun. Ayaw ko na siyang masaktan ulit! Ayaw ko na siyang mahirapan pa. Mahal ko siya kaya ko to ginagawa. Mas okay na, ako na ang magdusa kasama si Sam, kesa makita siya na unti unting pinapatay ng mga tauhan ni Daddy. Hindi yun kakayanin ng konsensya ko.

Ilang oras ang binyahe ko at nakarating din ako sa bahay namin. Hindi pa ako nakakababa ng kotse, nanumbalik na agad ang mga ala-ala na naiwan ko dito. Bumigat ang dibdib ko nun kaya humugot ako ng isang malalim na hininga bago tuluyang lumabas ng sasakyan.

Madaming nagbago sa bahay namin. Sa kulay pati sa design. Halata na inaalagaan talagang maigi ang bahay namin.

Habang papalapit ako sa gate, lalong bumibigat ang nararamdaman ko. Naaalala ko kung paano nagsimula ang lahat. Ang pagpasok ko sa school, ang unang beses na ma-bwiset ako kay Blake dahil sa case study niya na pinagawa sa akin, ang unang beses na pumunta siya sa bahay ko at nakita niya akong naka-shorts. Yung unang beses na natulog kaming magkatabi,yung unang beses na nagkiss kami na para akong dinala sa langit ng mga sandaling yun, yung tinakas niya ako sa bahay at nagtanan kami. Lahat ng yun naalala ko. Ang sarap bumalik sa nakaraan at itama ang pagkakamali ko. Ano kaya kung pinakinggan ko siya? Mag-iiba kaya ang takbo ng buhay ko?

Urghh!! Hindi ko na yun dapat iniisip pa!! Nangyari na eh! Lalo mo lang pahihirapan ang sarili mo Daniella! TT____TT

Nag-doorbell na ako nun at inantay ko na may magbukas ng gate. Tumingin muna ako sa paligid ko at inobserbahan ko ang ilang pagbabago. Maya-maya lang, narinig ko na may bumukas ng gate kaya tumingin ako. 

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now