Chapter 19 Going to Tagaytay

1.4K 32 12
                                    

Daniella's POV

Kakatapos ko lang nun mag-ayos ng gamit ko.

Nung tinext ko kasi si Chin, sabi niya nagbago daw ang venue at overnight na sa tagaytay.

Bigla tuloy akong nagdalawang isip nun pero kinontra naman niya agad!

Nako talaga!! >.<

BUmaba na ako nun dahil magpapa-alam na ako nun sa mga anak ko.

"Mommy, aalis ka na naman?"  yun agad ang salubong sa akin ni Winter.

"Oo baby eh. Babalik agad si mommy. One night lang." lumuhod ako nun para maging magkasing tangkad lang kami at hinawakan ko yung pisngi niya nun.

nalungkot na naman si winter!!

Namiss lang siguro ako ng anak ko. Kgabi nga eh sa kwarto ko silang dalawa ni Summer natulog.

"Palagi ka na lang naalis." sabi niya sa akin.

"Winter, babalik naman si mommy eh. Birthday lang ng kaibigan niya. mabilis lang yun!"

"Isama mo na lang kami mommy!" suhestiyon niya.

Isama?

"Hindi pwede baby. Dito na lang kayo sa bahay." sagot ko.

"Oo nga naman Winter. Dito ka na lang sa bahay? Ayaw mo nun maglalaro ulit tayo?" napatingin ako kay Sam na kagagaling lang ng kitchen at may hawak na tasa ng kape.

"Tignan mo baby, maglalaro daw kayo ni daddy Sam!" sabi ko sa kanya pero sa laking gulat ko ay tumakbo lang siya paakyat ng kwarto.

Tapos ay sumunod sa kanya si Summer.

Napabuntong hininga na lang ako nun. Kung hindi lang ako napa-oo, hindi ako pupunta eh!

Tumayo na ako nun dala dala yung backpack ko. 

Ang laki pa man din nito at mabigat pa! -__-

"Aalis na ako Sam. Ikaw muna ang bahala sa mga bata." sabi ko kay Sam habang inaayos yung bag ko. 

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon