Chapter 25 The Kids

1.3K 27 11
                                    

Ella's POV

Tumakbo na ako nun papunta sa bahay namin. Pinigilan ko ang sarili ko sa pag-iyak. Tapos na ako dito! 

pagdating ko sa tapat ng bahay namin, huminto muna ako sandali para habulin yung hininga ko.

Dun ko napansin na andun na pala yung kotse ko sa amin. My god! Tinotoo talaga niya!

Agad agad akong pumasok nun sa bahay namin at nawala ang pagod ko ng makita ko ang dalawa kong anghel.

"Mommy!!!!" sabay nilang sigaw at tumakbo papalapit sa akin at niyakap ako.

Gosh! I miss them so much. Niyakap ko pa silang mas mahigpit.

"Mommy, buti pa yung car mo kanina pa andito, ikaw ang tagal." sabi sakin ni Summer na bitbit pa yung manika niya.

Bigla akong kinabahan nun. Nakita kaya nila kung sino ang naghatid?

"Sorry babies. Nasiraan kasi ako eh. Pinagawa ko lang sa shop yung car." sabi ko sa kanila at tumango naman.

Nilapag ko muna yung bag ko nun sa sofa at napansin ko na malinis ang sala namin. Aba! Ang galing talaga ng mga anak ko!

"Mommy! We're really hungry!" sabi ni Winter at tumatalon talon pa.

"Yes mom! What are we going to eat?" tanong sa akin ni Summer. Umakting pa ako na kunwari ay nag-iisip habang sila ay nakatingin lang sa akin at nag-aantay ng sasabihin ko.

"Aha! Do you want mommy to cook your favorite food?" tanong ko sa kanila pero mukhang hindi sila natuwa sa tanong ko.

Hala!! Nako! Wag mong sabihin magpapa-deliver na naman sila?! Diyos ko! Mamumulubi ako sa anak ko! 

"Mommy, gusto naming magluto ka, kaya lang, gutom na kami. How about delivery?" sabi ni Summer. 

Sabi na nga ba eh! Hay nako. Buti na lang at may natira akong cash. Kinakabahan tuloy ako. The last time kasi na nagpa-deliver sila, inabot ng 3,000+ ang binayaran ko. Paano, parang lahat daw gusto nila kainin dahil ang sarap daw sa pandinig! Kaya ayun, lahat inorder!

"Fine, But please. Yung mauubos lang natin okay?" sabay silang tumango nun sa harap ako na parang susundin talaga nila ang utos ko. Well, sundin man nila o hindi, wala naman akong magagawa. Hindi ko naman kayang pagalitan sila eh.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now