Chapter 16 Kiss (Part 2)

1.4K 32 11
                                    

Daniella's POV

 

"So, anong naramdaman mo?" tanong sa akin ni Glaii na kanina pa nagungulit.

Tanong kasi siya ng tanong kung ano bang naramdaman ko sa kiss namin ni Blake kanina.

"Paulit ulit yung tanong mo kaya paulit ulit lang din ang sagot ko. Wala nga akong naramdaman." 

 

 

 

 

"Manhid ka kasi." sabi niya sa akin. -____-

Ako pa ngayon ang naging manhid?! BAka siya, dahil kung maka-arte siya, parang wala lang sa kanya ang lahat!

"Hindi ako manhid no! Tigilan mo nga ako Glaii!" mas binilisan ko pa nun yung lakad ko.

Nakakainis! Hindi ako natutuwa!!

Kakatapos lang namin magpahinga at medyo hapon na. 

Mayroon pa ngang sinabing masamang balita sa akin si direk. 

Kami na daw ang magtiging magka-partner ni Blake dahil kinakitaan niya daw kami ng chemistry. Psh! -__-

Pumunta na kami nun sa grupo dahil magsisimula na kami.

"Basta manhid ka talaga Goddess." Ito na naman si Glaii!!

"Papakainin talaga kita ng buhangin pag di ka tumahimik dyan!" Bulong ko sa kanya. Nakkairita na tong si Glaii!

Hindi na siya nangulit nun sa akin! Buti naman dahil kugn hindi, papakainin ko talaga siya ng buhangin!

"OKay guys, ang gagawin naman natin ngayon eh beach volleyball. Maglalaro lang kayo ng beach volleyball habang kinukuhaan namin kayo. Paalala, Photoshoot lang ito at hindi tunay na laro, walang pikunan at walang sakitan. Okay?" sabi nun ni Direk at tumango tango lang ako.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon