Chapter 17 Kiss (Part 3)

1.4K 33 12
                                    

Daniella's POV

Nandito ako sa labas ng hotel at nagpapahangin. Hindi kasi ako makatulog. 

Kung tatanungin niyo ako kung anong nangyari sa photoshoot kanina, ayun, hindi na ako sumali. Nawala na ako sa mood.

Umupo na muna ako nun sa buhanginan habang tinitignan yung paghampas ng alon. Napaka-relaxing pakinggan yung ingay ng dagat.

"Kaya kung may galit ka sa kanya, sa akin mo na lang ibuhos. Dahil po-protektahan ko siya."


Bigla ko na lang naalala yung sinabi sa akin ni Blake kanina.

"Psh! Paki-alam ko! Kahit ano pang pag-protekta ang gawin mo sa kanya, guguluhin ko pa din ang buhay niya!!!" mahinang sabi ko sa sarili ko sabay dampot ng maliit na bato at tinapon ko yun sa malayo.

Nakakainis siya!!

OKay lang yan Ella, makakaganti ka din. Uuwi ka na bukas sa Manila.

***************************************************

Blake's POV

Andito ako ngayon sa kwarto ni Christine. Inalalayan ko kasi siyang umakyat nung pagka-uwi naming ospital. At dahil ako nga ang fiancee niya, obligasyon ko na alagaan siya.

Pinahiga ko na siya nun sa kama niya para makapagpa hinga siya. Babalik na kasi kami ng Manila bukas.

Mabuti nga at hindi talaga siya napuruhan.

"Hubby, may tatanong ako sayo." sabi niya habang kinukumutan ko siya. 

Ano naman kaya yung itatanong niya?

"Ano yun?" sagot ko at inayos ko naman yung gamit sa table niya..

"Matagal mo na bang kilala si Goddess?" napahinto ako sa pag-aayos ng gamit niya at para akong na-istatwa sa kinakatayuan ko.

"Bakit mo naman natanong yan?"

"Hindi mo naman sinagot yung tanong ko. Kilala mo ba siya? Noon kasi nakita ko kayong magkayakap, tapos sa photoshoot natin grabe ka kung makatingin sa kanya and then you kissed her. I'm starting to get jealous." sabi niya sa akin at nakita ko ang pamumuo ng luha niya nun sa mga mata niya.

Lumapit ako sa kanya at umupo sa tabi niya saka pinunasan ang luha na tumulo sa pisngi niya.

ILYTIAB-Book 2 (O N - G O I N G)Where stories live. Discover now