CHAPTER 73 - Hajime no Owari

101K 1.8K 226
                                    

a/n: sorry sa matagal na pag hihintay ..

medyo inatake ng katams ang author eh ..

sana maenjoy niyo to though hindi siya kaenjoy enjoy dahil naiiyak ako habang tinatype ko to. TT^TT

~ScarsAreBlind~

=========================================================

CHAPTER 73 – Hajime no Owari

 

LANCE's

 

"Kuya Lyndon?!"

"Oh bakit parang gulat na gulat ka na makita ako?" Nakangiti niyang tanong sa akin. Hah! Nagagawa niya panag ngumiti?

"Kuya, apat na taon kang hindi nagpakita sa amin! Apat na taon! Namatay si dad, si mom, nakidnapped si Lacey tapos ngayon ka lang magpapakita? Anong gusto mong maging reaksyon ko?" Naiinis na sumbat ko sa kanya.

"Kuya Lance, wag mo namang awayin si Kuya Lyndon oh." Naiiyak na pakiusap sa akin ni Lacey.

"Lacey, hindi ko alam kung anong pinakain sayo niyan at natanggap mo agad ang pagbabalik niya, hindi niyo alam kung ano ang mga pinag daanan ko kaya hindi niyo ako pwedeng diktahan sa kung ano ang dapat kong maramdaman ngayon. Isa pa, marami pa akong importanteng bagay na dapat pag tuunan ng pansin kaysa sa isang walang kwentang kapatid na hindi man lang nagawang kamustahin sa loob ng apat na taaon ang mga kapatid niya. Aalis na ko." Galit na sabi ko sa kanila. Tinalikudan ko na sila at naglakad palayo pero natigilan ako. Muli akong humarap sa kanila.

"Nasaan ang kasama ko? Saan mo dinala ang kasama ko?" Seryosong tanong ko kay kuya Lyndon.

"Hindi ko sasabihin sayo kung nasaan siya haanggat hindi mo ako binibigyan ng pagkakataong pagpaliwanag sayo." Madiing sagot sa akin ni kuya Lyndon. Naiyukom ko nalang ang mga kamao ko. Wala akong magagawa sa ngayon kung hindi pag tyagaang pakinggan ang paliwanag niya. Alam niya kung nasaan si Hayato.

"Siguraduhin mo lang na sasabihin mo kung saan mo tinago ang kasama ko matapos kong makinig sa walang kwenta mong paliwanag." Inis na sabi ko sa kanya at naglakad na pabalik sa pwesto nila.

Nginitian niya lang ako at sinenyasang sumunod sa kanya. Wala naman akong nagawa kung hindi sumunod nalang. Naglakad kami pababa hanggang makarating kami sa dinning area. Takte, anong ginagawa namin dito?

"Kumain muna tayo. Nagugutom na ako. Paniguradong gutom ka na din. Wag kang mag alala, walang lason yan." Nakangiting sabi niya sa akin. Kung sabagay, gutom na nga din ako. Hindi ko kasi alam kung ilang oras akong walang malay o kung nasaang lupalop ng Pilipinas ako naroroon o kung Pilipinas pa nga ba itong kinalalagayan ko ngayon.

"Nasaan nga pala ako ngayon? Pilipinas pa ba to?" Tanong ko sa kanya matapos kong maglagay ng pagkain sa plato ko.

"Nasa Japan tayo. Nandito rin sa Japan ang kasama mo." Maikling sagot niya. Nanlaki naman ang mata ko sa nalaman. Japan? Paano naman kami napunta dito? Atsaka, sa pag kakaalam ko, may war na nagaganap dito ngayon kaya hindi basta basta nagpapa pasok ngayon sa bansang ito.

"Paanong ...?" Hindi makapaniwalang tanong ko. Napakunot ang noo ko ng bigla siyang ngumisi sa akin.

"That's how influencial our family is. Bet they didn't give a damn telling you the truth eh?" Tila nang aasar na sabi niya sa akin na lalong nag pagulo ng isip ko. Anong 'truth' ang pinagsasasabi niya at sinong 'they' ang tinutukoy niya?

"I'll tell you everything after we eat." Nakangisi pa rin niyang sabi sa akin. Hindi nalang muna ako umimik at tinuloy nalang ang pagkain. Masyado ng maraming tanong ang nabubuo sa isip ko ngayon at hindi ko gusto ang mga iyon.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon