CHAPTER 21 - Truth behind Lies

169K 3.3K 754
                                    

a/n: ayun may update ulit .. hahaha pampalubag loob to kasi mawawala ako ng isang linggo. so isang linggo ding walang update.

Sana maantay nyo ang pag babalik ko. Hehehe ..

Ayun nga pala si Mikage habang naka pout ... ang OA ng pout nya pero waaah ang gwapo pa din .. -------------------------------------->>>>>>>>

Enjoy reading guys ..

lovelots,

~ScarsAreBlind~

============================================================

CHAPTER 21 – Truth behind Lies


KIYOMIKO's


Pag gising ko puting kisame ang tumambad sa akin. Nasa hospital ata ako. Pinakiramdaman ko ang sarili ko, mukhang okay na ako. Babangon sana ako sa pagkakahiga pero ng itinukod ko ang mga braso ko ay agad din akong natumba. Ano bang nangyayari sa akin? Akala ko ba ginamot na ako ni Mikage bakit parang mas lumala pa? Hindi ko maramdaman ang mga paa ko at nanghihina pa rin ang mga braso ko. Naiinis ako. Pakiramdam ko napakahina ko na. pakiramdam ko wala na akong silbi ngayon. Bwisit. Nasaan na ba si Mikage?

"Mikage Sou!!!" sigaw ko. Kailangan kong malaman kung ano ang nangyayari sa katawan ko.

Nagulat ako ng pabalyang bumukas ang pinto at tumambad ang anim na nag kikisigang lalaki. Nakuha ko pa talagang sabihin yun sa kalagayan ko ngayon eh. Haay Kiyo, try mo kaya sumeryoso minsan?

"Yomi/Kiyo" sabay sabay na tawag nila sa akin. Hindi ko alam pero parang napakasaya ko na nakita ko ulit sila. Parang sobrang tagal na ng huli ko silang nakita. Pakiramdam ko hindi na ako sanay ng wala sila sa tabi ko. Bakit? siguro dahil parang sila na rin yung pamilya ko.

"Waah Kiyo, ayos ka na ba? Sobrang nag alala kami sayo simula nun bigla ka nalang nawala nung party." Halos paiyak na si Kei. Natawa nalang ako sa kanya pano ba naman, para syang bading.

"Kei~kun, wag ka nga umiyak para kang bading eh. Sayang ang ka gwapuhan mo pag nagkataon." Sabi ko sa kanya habang nakangiti. Gusto ko sanang abutin ang buhok nya at guluhin pero nanghihina pa rin ang mga braso ko.

"Yomi gusto mo bang umupo?" tanong sakin ni Ryuu. Tinanguan ko nalang sya. Tinulungan nila akong makaupo at nilagyan ng unan ang likod ko para may suporta.

"Kiyo, gusto mo ng makakain?" tanong ni Kurt.

"Kiyo, maiinom baka gusto mo?" tanong naman ni Martin.

"Kiyo may masakit pa ba sayo?" tanong naman ni Raven.

Napangiti nalang ako sa halos sunod sunod na tanong nila. Sobrang namiss ko talaga sila.

"Miko, where have you been this past few weeks?" tanong sakin ni Lance. Napatingin ako sa kanya at makikita ang pag aalala sa mga mata nya. Naramdaman ko nalang bigla ang bilis ng tibok ng puso ko. Umatake na naman ba yung lason sa katawan ko? Yeah, baka dahil hindi pa  ako magaling.

"Nag alala ka ba sakin?" wala sa loob na tanong ko sa kanya.  Nakita ko naman siyang namula at parang nag aalangan pa kung sasagutin yung tanong ko.

Sasagot na sana sya ng bigla uling bumukas ng marahas ang pinto.

"Honey! I'm so effin worried about you! Bakit ka umalis ng bahay ng hindi nag papaalam sakin?"  Parang tanga lang si Mikage na nag biglang pumasok sa kwarto at dali dali akong niyakap. Hindi ako makapalag dahil nanghihina ang buong katawan ko.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon