CHAPTER 64 - A New Identity: ZERO

108K 1.9K 465
                                    

a/n: Waah i missed you guys!!

Medyo busy ako this week dahil sa pag eenroll pag papa credit ng subjects eh ..

pasensya na di ako maka reply sa mga comments .. check ko nalang yun sa sunday .. hanggang sat kasi klase ko kaya ayun .. sana magustuhan niyo tong chapter na to ..

On te side pala, Kiel, Xavier at Mike .. =)

~ScarsAreBlind~

===========================================================

CHAPTER 64 – A New Identity: ZERO

KEVIN's


Nung biglang umalis si Serin ay agad ko siyang sinundan pero hindi pa ako nakakalayo ay bigla akong may nabangga.

"Sorry. Nagmamadali kasi a~" Natigil ako ng makita kung sino ang nabangga ko.

"Dude! Kamusta na?" Masayang bati niya sa akin.

"Eto ayus lang. Tagal mo nang di napapadpad sa Arena ah?" Sagot ko sa kanya.

"Oo nga eh, busy lang sa casino. Alam mo naman." Sagot din niya. Ay putek nakalimutan ko si Serin.

"Pasensya na Gio, usap nalang tayo sa susunod. May hinahabol kasi ako eh. Nga pala, this week may laban kami. Nood ka ah! Sige, una na ako." Mabilis kong paalam sa kanya at agad na tumakbo. Hindi ko na hinantay ang sasabihin niya dahil nawala na sa paningin ko si Serin.

Tumakbo ako sa direksyong tinakbuhan niya kanina. Medyo malayo na ako sa park pero nagpatuloy pa din ako sa pag hahanap. Nasaan na ba yung babaeng iyon?

Napahinto ako sa tapat ng isang eskinita ng makita ko ang babaeng kanina ko pa hinaahanap. Nakasalampak siya sa semento at parang umiiyak. Sa harap niya ay nakatayo ang isang lalaki. Lalapitan ko n asana siya pero nabato ako sa kinatatayuan ko ng bigla siyang tumayo at sinunggaban ng yakap ang lalaking nasa harap niya. Sino ang lalaking iyon?

Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Ibinilin ni King sa akin si Serin pero mukhang di na naman niya ako kailangan. Sa huli, nagdesisyon akong lisanin ang lugar na iyon. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Naiinis ako sa di malamang dahilan. Tsk. Bwisit.

KIYOMIKO's

Nagising ako sa mabangong amoy na nalalanghap ko. Nang imulat ko ang mga mata ko, hindi pamilyar na kwarto ang bumungad sa akin. Teka, nasaan ba ako? Napatitig ako sa pinto dahil marahan iyon bumukas at dumungaw mula doon ang isang nakangiting lalaki. Damn. Bakit parang mas gumwapo siya ngayon?

"Gising ka na pala. Sunod ka nalang sa mesa, nakahanda na ang almusal." Nakangiti niyang sabi sa akin. Tumango nalang ako bilang tugon. Nang makalabas na siya ay saka sumilay sa labi ko ang napakalapad na ngiti. Shemay. Kinikilig ako.

Mabilis akong tumakbo papunta sa banyo para mag ayos. Nang matapos na ako ay agad na rin akong lumabas. Naabutan ko siyang naghahain sa mesa.

"Kamusta na pakiramdam mo? Pasensiya ka na, dito kita dinala, di ko kasi alam kung saan ka tumutuloy ngayon. Hindi ko nga alam na nandito ka din pala." Nakangiti niyang sabi sa akin. Bakit parang mas namayat siya? Bwisit na Hitomi iyon, ano bang pinapagawa nya kay Lance?

"Okay naman. Bakit ka nga pala nandito sa Hong Kong?" Tanong ko sa kanya ng makaupo na ako sa harap ng mesa.

"May pinapahanap kasi sa akin si Hitomi. Mamaya nalang natin pag usapan. Kumain ka muna." Sabi niya sa akin. Tumango nalang ako bilang tugon at sinimulan na ang pag kain. Ramdam ko ang mga titig niya sa akin. Hindi pa rin siya nagbabago, ugali niya paring tumitig sa akin.

WMAMTG (Unedited)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon