CHAPTER 43 - The Bar Incident

137K 2.2K 163
                                    

a/n: Here's the update guys ... sorry for the wait.

namiss niyo ba ako? hahaha..

enjoy reading guys .. =)

"I never fear death or dying, i only fear never trying. I am whatever I am, only God can judge me now."

                                                                                                 ~Wiz Khalifa

~ScarsAreBlind~

==========================================================

CHAPTER 43 – The Bar Incident

 

LANCE’s

 

It’s been days since napasali ako sa Yaban Jin Clan at si Rina ang nagtuturo sa akin ng mga bagay bagay na dapat kong malaman. Next week pa kasi ako sisimulang turuan ni Hitomi.

Kanina, nakita ko si Miko. Gustong gusto ko siyang lapitan at kamustahin pero natatakot ako nab aka may makakita sa akin na nilalapitan ko siya at isumbong ako kay Hitomi. Ayokong mapahamak si Miko. Alam kong malakas siya pero Boss ng mafia si Hitomi at alam kong may posibilidad na masaktan niya si Miko pag sumuway ako sa utos niya sa aking layuan ko ang girlfriend niya.

“Lance! Yun oh, kanina ka pa?” napatingin ako sa taong tumawag sa akin. Sila Kurt pala kasama yung apat.

“Di naman kararating ko lang din.” Sagot ko kila Kurt na paupo na sa pwesto ko. Nandito kami ngayon sa bar dahil nagkakayayaan kanina matapos naming mag usap sa private room tungkol kay Rina. Buti nga at napilit nilang sumama si Ryuu eh. sa totoo lang para sa kanya to. Alam kasi naming nalulungkot siya sa pagkawala ni Rina.

“Ano ba ang naisipan niyo at nag yaya kayo mag bar?” walang ganang tanong sa amin ni Ryuu na kauupo lang. Nginitian lang namin siya at di na sinagot.

Maya maya pa, dumating na ang mga order naming alak at pag kain. Sinimulan na naming magi nom at mag kwentuhan. Pakiramdam ko, ang tagal ko silang hindi nakasama. Masyadong marami ang nangyari sa akin at hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin sa kanina na miyembro na ako ng mafia.

“Uy chicks!” nabaling ang tingin ko doon sa direksyon ng tinignan ni Martin.

“Oo nga noh?” sang ayon naman ni Kurt. Silang dalawa lang naman ang mahilig sa babae sa grupo namin eh, kaya sila ang madalas na magkasama sa mga kalokohan at pang bababae nila.

“Asus, ayan na naman kayo.” Pabirong sita ni Kei sa kanila.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now