CHAPTER 6 - outlaw gangsters

201K 4.5K 632
                                    

CHAPTER 6 – outlaw gangsters


"Yomi, nandito na tayo." Nagising ako sa marahang pag tapik sakin ni Ryuu. Naka idlip pala ako. Pag dilat ko nasa parking lot kami ng isang mall? Ano namang gagawin namin dito?

Bumaba na ako sa kotse ni Ryuu at naglakad na kami papunta sa may entrance ng may humarang sa kanilang grupo ng mga lalaking di nalalayo ang edad samin. Mga nasa 20 ata sila. Madami eh. hmm, I smell trouble. Hahaha. Masaya to.

"Look who's here? The mighty Red Night with a chick." Sabi nung isang lalaki, mukhang sya ata yung leader nila. Naramdaman kong humawak sakin si Ryuu at hinatak yung kamay ko papunta sa likod nya.

"What do you want Ramses?" tanong ni Lance. So Ramses is his name.

"Yomi, diyan ka lang sa likod ko. Don't fight! Okay?" mahinang sabi sakin ni Ryuu. What the? KJ naman nito.

"Psh. Damot." I murmur. Kala ko pa naman mapapalaban ako. Sayang.

" I want her." Naka ngising sabi nung Ramses habang nakatingin sakin. as if he can.

Pumalibot sakin sila Lance ng pinaikutan kami ng mga kasama ni Ramses.

"Don't you dare." Seryosong sabi ni Raven. Wow huh? playing hero? Hindi ako kumibo, gusto kong makita kung anong gagawin nila. This is fun. Napangiti ako.

"Hey Miss. Pag natalo namin tong mga kasama mo, sasama ka samin." Sabi nung Ramses. I just smirked at him.

"If you can touch me, I'll come with you." Bored na sabi ko sa kanya. Napatingin naman sakin sila Lance na parang gulat sa sinabi ko.

"What? As if he can touch me?" maang na tanong ko sa kanila. Nakita kong napailing si Ryuu habang nakangiti. Alam kong alam nya na ang kaya kong gawin. Siya nga mismo natakot sakin kanina eh.

"That's a deal then missy." Sabi nung Ramses sabay signal sa mga kasama nyang sugurin na sila Ryuu.

Pag sugod ng kalaban agad ding sumugod sila Ryuu. Mabilis akong umalis sa gitna at medyo lumayo ng konti para mapanuod ko ng maayos yung labanan nila. Masasabi kong magagaling sila Ryuu. Halos hindi sila mataman ng mga kalaban nila kahit na sabay sabay na sumusugod yung mga yon.

Habang nag eenjoy ako sa panunuod ng laban nila Ryuu, naramdaman ko na may tatlong tao sa likod ko. Papalapit na sila saakin kaya naman humarap ako agad sa kanila at nagulat sila dahil nakangiti pa ako sa kanila. Sinugod ako nung tatlo pero agad akong nakatalon paatras kaya hindi nila ako nahawakan. Pinalibutan nila akong tatlo, paikot ikot sila sakin. Parang mga tanga. Psh. Nakakainip. Susugudin ko na sana ng biglang tumumba yung isa. Napatingin ako sa direksyon nun at nagulat ako sa nakita ko. Si Gio. Hawak hawak sa kwelyo si Ramses na wala ng malay. Susugudin dapat sya ng dalawang natira sa likod ko pero inunahan ko yung dalawa. Sinipa ko sa tyan yung isa tapos hinampas ko sa gilid ng leeg yung isa pa. bwisit. Yun na yun? Kabitin.

Nagulat ako ng biglang may humawak sa balikat ko. Si Gio. Ang bilis nya. Hindi ko naramdaman yung kilos nya. Sino ka ba talaga Gio Mendez?

"Okay ka lang Kiyomi? Hindi ka ba nila sinaktan?" tanong sakin ni Gio. Eh? Kiyomi? Ang dami ko namang pangalan.

"Ah, O-oo. O-okay lang a-ako." Shit bakit na uutal ako? Natatakot ba ako sa kanya? Hindi naman eh. Pero ang bilis ng tibok ng puso ko. Sa kaba? Siguro? Sino ba namang hindi kakabahan eh hindi ko siya maramdaman. Mas mabilis sya sakin. Para syang si kuya Kisu.

"Good. Kinabahan ako. Akala ko sinaktan ka ng mga outlaws na to eh." sabi niya sabay tapik sa ulo ko habang nakangiti.

"Yomi!/Kiyo!" narinig kong sigaw nila Ryuu. Tumatakbo sila papunta sa pwesto namin. Pero hindi ko sila tinignan. Nakapako yung tingin ko kay Gio. Tska ano yung sinabi nya?

"Eh? Outlaw? Ang hihinang outlaw naman nyan." Wala sa loob na sabi ko. Huli na ng marealize ko yung sinabi ko. Nginitian nya lang ako.

"haha. Mga outlaw gangsters sila. Mahihinang klase." Sagot sakin ni Gio. Bakit parang pakiramdam ko may ibang ibig sabihin yung huli nyang sinabi?

"Gio. Anong ginagawa mo dito?" tanong ni Ryuu kay Gio ng makarating sya sa tabi ko.

"Wala. Napadaan lang, taking care of things you should have taken care of." Seryosong sabi ni Gio sabay tingin sakin. ako ba yung tinutukoy nyang 'thing' to be taken care of?   


"She's not a thing you should take care of. Besides she's MY responsibility not yours." Sagot ulit ni Ryuu. Naguguluhan ako sa pinag uusapan nila pero parang hindi ko kayang sumabat sa usapan nila.

"well base from what I witness, you can't protect her." Sabi ni Gio. WTF! I don't need protection I can take care of myself, dimwits!

"Why do you do this Gio? You already have her, what the hell do you need from Yomi?" naaasar ng sabi ni Ryuu. Who's 'her'? Mukhang may mas malalim pa na pinag huhugutan ang away na to ah?

"I want her! And you know I always get what I want. Always!" nakangising pahayag ni Gio. Pero pakiramdam ko nagbibiro lang siya. Bwisit!

"Yameru! Both of you! Will you please just shut up! Kung mag usap kayo parang wala ako dito ah? First of all, I don't need protection from anyone! I can take care of myself, you dimwits!" (quit it!) Inis na sigaw ko sa kanilang dalawa. Bwisit. Argg. Iniwan ko na silang lahat doon at nag simula ng maglakad papalayo pero napatigil ako sa pag sigaw ni Gio.

"See you soon, Mayonaka!"

Napalingon ako sa kanya. Paano nyang nalaman? Nginitian nya lang ako sabay tumalikod na sya at umalis. Hangang sa mawala na siya ay nakatulala lang ako dun. Paano niya ako nakilala. Hindi kaya isa rin syang assassin? Or a mafia member? Well, that will explain why he's so strong.

Nilapitan na ako nila Lance. Si Ryuu nakayuko lang. iniisip nya siguro yung sinabi ni Gio.

"Ryuu, I am not mad at you. Genki wodashite kudasai!" (cheer up! Please.) sabi ko kay Ryuu. Mukhang down kasi sya eh. Hindi naman ako kasi sa kanya naasar. Kay Gio lang. 

Nginitian nya lang ako. Kaya nginitian ko lang din sya. Hahaha. Parang tanga lang.

"Kain tayo. Nagugutom na ko." Sabi ko sa kanila. Gutom na talaga ako. Tinawanan lang nila ako. Loko tong mga to ah.

Naglakad na kami papasok sa mall ng may maramdaman akong nakatingin sakin. napatigil ako kaya nilapitan ako ni Lance pero may napansin akong kuminang sa kanan ko. Tinulak ko agad si Lance at bumagsak kami pareho. Nakayakap siya sakin habang nasa ibabaw niya ko. Agad namang lumapit samin sila Ryuu.

"Anong nangyari Yomi?" narinig kong tanong ni Ryuu. Di ko sya pinansin. Tumayo ako at agad na kumuha ng shuriken sa boots ko at binato yun sa direksyon na pinanggalingan ng binato saamin kanina. Pamilyar yung presensya nya. Hindi ko lang matukoy kung kanino. Nilibot ko yung paningin ko at agad kong nakita yung ibinato samin kanina. Isang silver dagger, nakatusok sa gulong ng kotse na medyo malapit sa kinatatayuan namin. Hinugot ko yun at kinuha yung nakapulupot na papel doon. Shit! He's back!


=============================================================


a/n: salamat sa mga nag babasa .. =)



WMAMTG (Unedited)Onde histórias criam vida. Descubra agora