CHAPTER 51 - Hangyaku to Himitsu

132K 2.1K 337
                                    

a/n: update ulit. =)

Nanjiro on the side nga pala ..

Sana maappreciate niyo tong chapter na to .. =)

Sino unang makakuha ng pangalan ng spy sa Famiglia nila Jansen kanya ang dedic next chapter .. =)

PS

Tunay yung code andyan na din yung Key sana mahulaan niyo masaya mag decode promise!

~ScarsAreBlind~

============================================================

CHAPTER 51 – Hangyaku to Himitsu



JANSEN's


Pag umuwi ko kagabi dito sa main house para makausap sana ang assistant ko na nagbalita sa akin tungkol sa spy sa pamilya ay hindi ko na siya naabutan. Brutal na pinatay ng kung sinong traydor ang isa sa mga pinagkakatiwalaan ko. This is bullshit! Hindi ko pa din alam kung sino ang traydor sa pamilya. Isang clue lang ang iniwan sa akin ng assistant ko.

Mukhang alam niya na mamamatay na siya kaya napaghandaan niya ito. Kanina nakuha ko mula sa morgue ang isang strip ng mahabang tela na maya mga letrang nakasulat mula daw iyon sa tiyan niya. Masyadong matalino ang assistant ko, akala siguro ng traydor na iyon ay mapipigilan niya sa pamamagitan ng pagpatay sa taong pinagkakatiwalaan ko ang pag kabunyag ng katauhan niya. Hah! Doon siya nag kakamali dahil oras na madecode ko ang clue na iniwan sa akin, sinisiguro kong pagsisisihan niya ang mga ginawa niya.

Muli kong dinalaw ang silid ng assistant ko. Ibinilin ko sa kanila na huwag iyong gagalawin hanggat hindi ko sinasabi. Iginala ko ang mata ko sa loob ng kwarto at napangisi ako dahil sa alam ko na kung saan ako mag sisimula. Mukha lang magulo ang kwarto niya pero ang totoo, mayroon itong pattern na sinusunod.

Inakyat ko ang pinaka mataas na aparador para makita ang kabuuan ng kwarto in a bird's eye view at hindi ako nag kamali. Ang mga librong sa unang tingin ay nakakalat lang ay may pattern na sinusundan. Hugis mata iyon at sa gitna noon ay isang baseball bat.

Bumaba na ako sa aparador at tinungo ang baseball bat. Inilabas ko mula sa bulsa ng pantalon ko ng strip ng tela na nakuha mula sa tiyan ng assistant ko at sinimulang ibilot iyon gamit ng baseball bat. Mas lalong lumawak ang ngiti ko. Tuso talaga. Isang code ang lumabas.

GDFGCHIOHKCFGJKHJGKCLDLKJHGUGH

DFBVUNKIMGVKPDLTHLIGKJFIDHHGVH

KJHBGJMGNPQWTQGNBOGNLCTGHVTKI

RTYEUWIOPOUMCCBNVMCYGBCNXHML

Agad kong kinopya sa isang notebook ang mga letrang iyon. Gusto ko sanang sa computer gawin ang pagdecode kaya lang masydo ng maraming hackers ngayon, mas mainam pa din ang magpaka old school paminsan minsan.

Tinitigan kong maigi ang mga letra na nakasulat sa hawak kong notebook. Takte! Sumasakit ang ulo ko. Muli kong ibinalik ang tingin ko sa mga librong nakakalat sa kwartong ito. Napadako ang tingin ko sa librong malapit sa pwesto ko.

"Kailan pa siya natutong magbasa ng manga?" nasabi ko sa sarili ko. My eyes widen when realization suddenly hit me. Damn. He's really good.

Agad kong binuklat ang pahina ng librong hawak ko at tumigil sa pahinang may bookmark. Napangiti ako sa nakita ko. Naka underline ang unang letra sa pahinang iyon. Agad kong binilang kung ilang manga books ang may book mark. Twenty six silang lahat. A higher level of Caesar Shift Cipher eh?

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now