CHAPTER 14 - you messed with the wrong person

221K 3.6K 640
                                    

CHAPTER 14 – you messed with the wrong person


Nagising ako sa mmarahang pagtapik sa kamay ko. Pinilit kong imulat ang mga mata ko pero parang ang bigat ng mga talukap nito, bukod sa hindi ko kayang dumilat laban sa sinag ng araw eh talagang antok pa ko.

"Kiyo! Paghindi ka bumangon ngayon din, uubusan kita ng almusal." Bigla naman akong napabalikwas ng upo. Takte talaga tong si Seal oh, talagang alam ang kahinaan ko. Napahawak nalang ako sa noo ko ng bigla nya akong pitikin doon.

"Basta talaga pagkain eh no. Bumangon ka na dyan at mag ayos. May pag uusapan tayo." Bakas sa tono nya na hindi basta kung ano lang ang pag uusapan namin.

Paglabas nya ng kwarto ko, agad akong pumunta sa banyo para maligo. Naalala ko yung ginawa ko kagabi. Shoot! Paano nga pala ako napunta sa kama ko kagabi? Tinignan ko ang damit ko, yun parin yung suot ko. Ibig sabihin hindi ako nagpalit, pero sa pagkakatanda ko, basang basa ako kagabi. Yun kaya yung pag uusapan namin ni Seal? Baka sermonan na naman ako nun. Psh. Bahala na nga.

Pagkalabas ko ng cr dumiretso ako sa cabinet ko at nag hanap ng masusuot. At dahil balak kong gamitin ang kotse ko, kinuha ko ang isang simpleng black shirt at isang maong na skirt. Pagkabihis ko lumabas na agad ako ng kwarto at dumiretso sa kusina. Naabutan ko si Seal na nakaupo na kaharap ang nakahain ng pagkain sa mesa.

"Ohayoo Gozaimasu!" (Good Morning!) masayang bati ko kay Seal. Habang paupo na sa harap nya.

"Ohayoo." (Morning) maikling sagot ni Seal.

 Habang kumakain kami, bigla akong natigil sa pagsubo sana ng pancake dahil sa sinabi nya.

"Pwede ka namang hindi pumunta. Sasabihin ko nalang kay Master na may sakit ka. Hindi mo kailangang pilitin ang sarili mo kung hindi mo kaya."

"Kaya ko Seal. Hindi ako duwag. Papatunayan ko sa kanyang hindi na ako apektado." Sagot ko sa kanya at pinagpatuloy na ang pag kain ko. Papakita ko sa kanyang kaya ko syang harapin.

"Okay. Ilalagay ko nalang sa kwarto mo mamaya yung damit na gagamitin mo pati yung invitation. Gusto sana kitang samahan kaya lang may mission ako sa Korea, mayang gabi ang alis ko. Matagal akong mawawala. Ibinilin na kita kila Ryuu, tawagan mo nalang ako pag nagka problema." Matapos nyang magsalita tumayo na sya at niligpit ang pinagkainan namin.

Matapos naming kumain, nag paalam na ako kay Seal. Hindi na ako nag abalang antayin pa sila Ryuu, parang ayaw ko muna silang makita. Gusto kasing mag isip isip muna.

Hindi muna ako dumiretso sa school, huminto ako sa tapat ng park. Habang naglalakad ako papunta dun sa puno na pinuntahan ko kahapon, may biglang humarang saking limang lalaking mga naka sombrero. Sa palagay ko, halos kasing edad ko lang sila. Mukha silang mga gangster wannabes na napapanood ko sa tv.

"Miss, sumama ka samin kung ayaw mong masaktan" sabi sakin nung isang lalaki na nasa gitna. Sya ata yung lider nila.

"Wag nyo kong istorbohin kung ayaw nyong mamatay." Kalmadong banta ko sa kanila.

"Aba boss, matapang nga to.mukhang mage enjoy tayo dito ah" nakangiting pahayag yung payatot na lalaking nasa gilid ng tinatawag nyang boss.

"Miss, wag ka nang pumalag. Wala ka namang laban samin eh." sabi ulit nung boss nila.

"Lima lang kayo. Sigurado ka bang kaya nyo kong saktan?" Nakangising tanong ko sa kanila. Parang biglang gusto kong makipaglaban ngayon. Kelan ba yung huling laban ko? Yung Kila Sky? Hindi naman matuturing na laban yun, di man lang ako pinagpawisan doon eh. Pero ngayon parang gusto kong manakit.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now