CHAPTER 19 - Mikage Sou!!!

165K 3.2K 858
                                    

a/n: ayun nakapag update din .. hahaha .. kapag gusto talaga may paraan. =)

dahil mahal ko kayo mga beloved readers ko, eto na po ang update. hope you like it ..

~ScarsAreBlind~

==============================================================

CHAPTER 19 – Mikage Sou!!!



KIYOMIKO's


"Kiyo, you promised me!"

"P-pero Seal ..."

"No buts Kiyo, you broke your promise!"

"Wag mo ko iwan Seal!"

"Sabi ko sa'yo wag mo ko hanapin. Kikensugiru." (It's too dangerous)

"Seal, sabi nila wala ka na daw. Kaya hinanap kita."

"There's no need for you to find me. I'm ... I'm already gone."


"That's not true!"

"Accept it Kiyo. Aishiteru. Sayonara."

"Wait .. Seal! Sasama ko sayo! Isama mo ko Seal!"

"SEAL!"

Napabalikwas ako ng bangon. Basa ng pawis ang buong katawan ko. Panaginip. Panahinip lang yun. Hindi pa ako iiwan ni Seal. Napatingin ako sa paligid ko, madilim pa at may isang asungot sa tabi ko. Dito na naman sya natulog sa kama ko. Ang adik talaga ng lalaking to. Para syang si Yujia, kuya Kisune at kuya Kyohei na pinagsama sa iisang katawan. Bakit ko nasabi? Kasi sweet at maloko sya parang si Yujia. Makulit at mapang asar parang si kuya Kisune at nakakatakot pag seryo like kuya Kyohei and on top of that, ka level ng ka gwapuhan nya ang ka gwapuhan ng kuya Kyohei ko, ay di pala mga one level below yung kay Mikage. Hahaha.

Shemay lang nagawa ko pa talagang tumawa. Naalala ko yung panaginip ko. Tama isa lang yun panaginip. Hindi pa ako iiwan ni Seal. Nangako sya sakin na babalikan nya ko, na he will contact me personally. Kailangan kong panghawakan yung pangako nyang yun kahit ano pa ang sabihin nila sakin, hindi ako mawawalan ng pag asa. Kahit lahat pa ng gamit nya marecover nila, hindi pa din ako maniniwala na wala na sya. Kasi ... kasi hindi ko talaga kakayaning tanggapin. Seal nasaan ka na ba?

"Hey, Kitty, it's still too early. Bakit gising ka na?"

Bwisit. Yun talaga unang pumasok sa isip ko. Kaasar talaga tong lalaking to. Panira ng moment. Iniisip ko pa si Seal eh. Bigla ba namang sisingit sa taimtim kong pag iisip?

"Hoy! Kiyo pangalan ko! Hindi ako kuting! Bwisit ka talaga! Bakit dito ka na naman natulog?" Singhal ko sa kanya. Sa loob ng mahigit isang linggong pagtuloy ko dito simula ng magising ako eh madalas sya dito matulog. Wala naman syang ginagawang kalokohan, tumatabi lang talagang matulog. Kung hindi nga lang to nakakatakot minsan iisipin kong takot sya mag isa.

"Eh gusto ko may katabi eh. Tsaka ayaw mo ba akong katabi? Na tetempt ka no? Wahahaha." Sarap ingudngod ng mukha ng lalaking to sa imburnal eh. Ang yabang. Hindi dahil gwapo sya ma tetemp na ko. Argg. Kung si Lance pa yan o kaya si Tak~ ay hindi mali, bakit ba naisip ko na naman yung lalaking yun. Teka naisip ko din si Lance, ibig sabihin pinag nanasaan ko si Lance? Hala! Nahawa na ata ako sa ka abnoyan nitong si Mikage.

"Oo na tetempt ako! Na tetempt akong paslangin ka." Sabi ko sa kanya.

"Oh c'mon babe, maraming iiyak pag pinaslang mo ko. Hahaha." Tsk. Tignan nyo, iba na naman tawag sakin! Di ko alam kung ganyan ba talaga sya o hindi nya lang maalala ang pangalan ko.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now