CHAPTER 37 - Saturday Date-saster!

146K 2.5K 227
                                    

A/N: Woooh! Ayan huh, hindi talaga muna ako natulog para lang tapusin to .. well, isabay na din ang pag lalaro ko ng Monster World .. Hehehe ..

Nga pala yung may gustong makijoin sa amin sa fanpage ng WMAMTG yung link po nasa external link last chapter, tinamad na akong ilagay dito eh. Tignan nyo nalang doon .. Hehehe ..

sana magustuhan nyo tong chapter na to. Dami daming clue!

Yosh! Enjoy Reading ..

~ScarsAreBlind~

=====================================================

CHAPTER 37 – Saturday Date-saster!



"Mikage Sou!!!" Sigaw ko sa damuhong Mikage matapos nyang biglang patayin ang TV.

"Baby naman, aalis na tayo. Nasa mall na daw ang sadista mong Kuya." Malumanay na paliwanag sa akin  ni Mikage.

"Naman eh, bakit ba kasi kailangan kasama pa ako?" reklamo ko kay Mikage habang pinipilit nya akong hilain patayo ng sofa. Sabado na nga pala ngayon at dahil sa walang pasok, hindi ko alam kung anong nakain ng gwapo kong kapatid at nag yayang mamasyal sa mall.

"Wala daw kasi si Seraphiel kasama ni Light at Shin." Sagot naman ni Mikage na ngayon ay tinutulak na ako palabas ng unit namin.

"Ano naman kinalaman ni ate Raphie sa pagsama ko?" tanong ko ulit sa kanya. Huminto muna ako at humarap sa nya.

"Masosolo mo daw mga kuya mo ngayon. Hahaha. Tara na pasan na kita." Sabi pa nya sa akin habang umupo ng bahagya sa harap ko. Sumampa na ako sa likod nya at sinimulan na namin este sya lang pala, ang paglalakad palabas. Ilang sandal pa nakarating na kami sa parking lot kaya ibinaba na ako ni Mikage.

Ilang minuto pa ang lumipas nakarating na din kami sa mall. Sabay kaming bumaba ng sasakyan at sabay ding pumasok sa loob. Ayaw nyang humiwalay sa akin kasi masyado daw maraming babae ang lalapit sa kanya pag wala ako sa tabi nya. Siraulong Mikage talaga, anong akala nya sa akin, bodyguard nya? Tsk.

"Mikage, asan ba sila kuya?" Tanong ko kay Mikage na nakapulupot ang kamay sa balikat ko.

"Nasa may foodcourt daw sila. Ayun na pala eh." Sagot nya sa akin sabay hila sa akin papunta sa pwesto nila Kuya na napapaligiran ng mga babae. Psh. Daming clown.

"Ehem." Pagkuha ko sa atensyon ng mga babaeng nakapalibot kila Kuya. Lumingon naman sila pero mukhang maling desisyon ata ang kunin ang atensyon nila dahil kasama ko si Mikage.

"Oh my, you're so handsome. Do you want some company?" Tanong ng isang babaeng mukhang foreigner at mukhang kinulang sa tela ang suot.

"sa pagkakaalam ko mall to? Bakit pakiramdam ko nasa bar ako?" wala sa loob na sabi ko. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Mikage.

"Do you want to have some fun? We'll have a party later at my place." Sabi naman nung isa pang babae. Dinumog na nila si Mikage at natulak ako palayo. Bwisit talaga.

Lumapit ako sa kumpol ng mga haliparot na babae sa pwesto ni Mikage dahil mukhang wala syang balak na palayasin ang mga yun sa tabi nya. Hinawakan ko yung isang babae sa balikat at hinarap sya sa akin sabay bahagyang tinulak kaya napaatras sya at tinamaan yung isa nya pang kasama.

"Ouch! Who the hell are you, bitch?" Sigaw sa akin nung babaeng tinulak ko.

"Oh, I'm not a bitch. I'm a witch, so if you don't want me to cast a spell to make you more uglier than you are now, move." Seryosong sabi ko sa kanya habang sya, namumula sa galit.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now