CHAPTER 53 - Compromised

116K 1.8K 122
                                    

a/n: Guys, pasensiya na kung natagalan ang update ..

Short update lang muna ito, next chapter nalang ako babawi.

Sana magustuhan niyo.

On media: Pissed Kiyo be like. 😎😎😎 ⬆️⬆️⬆️

===========================================================

CHAPTER 53 - Compromised



NANJIRO's

Tanghali na ako nagising ngayong umaga. Siguro dahil madaling araw na akong natulog kakahintay sa pagdating ni Kiyo. Alas tres na kasi siya nakauwi at mugto pa ang mata. Hinatid lang naman niya sa airport si Seal, mukhang nag dramahan pa sila. Tss. Masyado siyang attached kay Seal.

Napatingin ako sa side table ko at nakitang past eight na pala. Tinatamad akong mag turo ngayon. Siguro naman maiintindihan nila yun dahil may mission kami mamaya. Bumangon na ako sa kama at dumiretson sa cr para mag ayos.

Bitbit ang tshirt ko, lumabas na ako ng kwarto at nagulat ako ng makita si Kiyo na nakaupo sa sofa habang nanonood ng TV. Nakabihis na din siya. Mukhang di natulog ang isang ito ah.

"Ohayoo dear wife. Aga mo ah?" Bati ko sa kanya habang papalapit sa sofa upang umupo na din.

"Tss. Wala ka bang balak magturo? Tanghali na ah! Walang kwentang professor." Inis na sabi niya sa akin. Hindi ko alam pero gusto ko atang matawa sa sinabi niya. Asawang asawa ang dating eh.

"Tinatamad ako eh. Tsaka kailangan nating mamili ng isusuot natin mamaya sa auction." Katwiran ko sa kanya. Sa totoo lang nakakatamad talaga mag turo. Kung hindi lang dahil sa misyon ko eh hindi ko naman gagawin to.

"Para namang aabutin tayo ng maghapon sa pamimili. Tsk. Kumain na tayo dahil papasok tayo sa school. BI na teacher to." Sabi ni Kiyo sabay tayo sa sofa. Natatawa naman akong sumunod sa kanya sa kitchen.

Pagdating namin sa kitchen ay agad na kaming umupo sa lamesa. Ayos nga eh, nakahanda na ang pagkain. Marunong naman palang magluto tong babaeng to eh. Kakain na sana ako ng biglang may lumipad na kutsilyo papunta sa kamay ko. Napatingin naman ako agad kay Kiyo na nakataas ang kilay sa akin.

"What?" Tanong ko sa kanya.

"Nasa harap ka ng pagkain, nakahubad ka! Magsuot ka nga ng damit." Asik niya sa akin. Ano bang problema ng isang to? Init ng ulo. Hinayaan ko nalang siya. Nagsuot nalang ako ng damit para makakin na. Gutom na kaya ako.

Ilang sandali pa ay tumayo na si Kiyo. Ang bilis naman niyang kumain.

"Kaw maglinis niyan ah. Pasok na ako." Sabi niya at tuluyan ng umalis.

Kainis, nautusan pa. Having no other choice, masama man sa loob ko ay ako na nga ang nagligpit ng pinagkainan bago sumuod na ding pumasok sa school.

Bago pumasok sa klase ko, dumaan muna ako sa director's office para mag paalam.

"Oh, akala ko ba may mission kayo mamaya? Bakit pumasok ka pa din?" Nagtatakang tanong sa akin ni Mr. De Guzman.

"Di na nga sana ako papasok ngayon kung hindi lang nanermon yung babaeng yun." Inis na sagot ko sa kanya. Nagulat naman ako ng tumawa siya kaya kunot ang noong tumingin ako sa kanya.

"Haha, nag aalala lang yun kaya masungit." Mas lalo naman akong naguluhan sa sinabi niya. Si Kiyo ba ang tinutukoy niya?

"Don't give me that confused look Syuusuke sensei. Of course I'm referring to Kiyomiko. Maaaring naamoy niya din ang simoy ng kamatayan sa hangin kaya mainit ang ulo niya." This is one of the reasons why I hate talking to older people. I hate riddles.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now