When miss ASSASSIN meet the GANGSTERS

601K 8.7K 1.2K
                                    

PROLOGUE


"you almost failed your mission. Good thing I sent Seal to be your back up." Bungad samin ni papa. Tsk. Di man lang tinanong kung okay ako.

"Honto ni gomenasai, oto~sama. I was ambushed." (I'm really sorry, father) Mahinang sagot ko sa kanya matapos mag bow habang naka alalay parin sa akin si Seal.

"What's done is done. What's more important is the success of your mission." Napangiti naman ako ng mapakla sa sinabing iyon ni papa.

"Oh by the way, since you almost failed your mission, we will give you a punishment. You will be sent to the Philippines and will be banned from any mission for a year. Also, take that opportunity to finish your study. I already discussed it with your mother. Pack your things now. Your flight is the day after tomorrow. Kyohei will pick you up there. You may rest now." Matapos marinig yung sinabi ni papa, umakyat na ako sa kwarto ko. Kasama ko pa din si Seal.

"Arigato, Seal. Can you help me clean my wounds?" (Thank you) I ask Seal for assistance.

"sure, wag mo nalang masyadong isipin yung mga sinabi ni Master. Isipin mo nalang magbabakasyon ka sa Pilipinas." Sabi nya sakin sabay salpak ng makapal na tela sa bibig ko at pinahiga na ako sa kama.

Ibinaba ko na ang kabilang parte ng suot kong ninja suit para malinisan na nya yung sugat ko sa balikat. Sinimulan na nyang buhusan iyon ng matapang na alak, ako naman napapikit nalang sa sobrang hapdi. Di ko kinaya ang hapdi kaya naman nawalan na ako ng malay.

Ng magising ako may benda na ang kaliwang balikat ko at napalitan na rin yung damit ko. Nakita ko sa may sofa si Seal na natutulog. Sya siguro ang nag bihis sakin. well wala na namang malisya samin yun.

Si Seal, kasama ko sya simula bata pa ako parang kuya ko na din sya. Mas matanda kasi siya sakin ng dalawang taon.

Ako nga pala si Kiyomiko Takeno. Bunsong kapatid nila Kyohei Takeno at Kisune Takeno. Katulad nila, isa din akong assassin. Galing kami sa pamilya ng mga assassins. Ang loyalty namin ay nasa Takehashi Clan. Pero natanggap din kami ng mga misyon sa labas ng clan pero pili lang. Hindi kami basta basta tumatanggap ng misyon, meron kasi kaming sinusunod na creed. Hindi kami pumapatay ng mga inosente at hangat maaari yung target lang ang dapat mapatay.

Kahit medyo masakit pa din yung sugat ko ay sinimulan ko ng mag impake ng mga gamit ko para sa pag alis ko sa susunod na araw.

Ano kayang buhay ang nag hihintay sakin sa Pilipinas? Isang taong walng misyon. Isang taong walang pera. Sabagay marami na naman akong naipon. Pero bwisit lang talaga. Kakayanin ko ba ang isang taong walang aksyon?

Sana di ako mahirapan.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now