CHAPTER 59 - Importance and Priorities

123K 2K 298
                                    

a/n: eto na .. ayiih ..

NIkikilig naman ako sa mga comments niyo .. =)

Jansen  on the Side .. Sige na .. pag nasaan niyo na .. may permiso ko kayo .. Hehehe ..

~ScarsAreBlind~

====================================================

CHAPTER 59 – Importance and Priorities



KIYOMIKO's



"Jansen. Sorry na kasi." Hinging tawad ko kay Jansen. Kanina pa nga ako nag sosorry eh di naman ako pinapansin.



"Tss." Yun lang lagi niyang reaction. Waaah. Kasi naman eh. Paano ba ako mapapatawad ng isang to? Aish. Sa asar ko ay lumakad ako papunta sa harap niya at hinarang siya. Sinamaan naman niya ako ng tingin. Bigla akong lumuhod sa harap niya.

"Sorry na kasi Jansen. Sorry na kung hindi ako nagpaalam sayo na ipapasundo ko si Nanjiro kay Take para pumunta dito sa condo mo. Wala na kasi akong ibang maisip na paraan para makausap siya eh. Sorry na kasi kung hindi ko man lang iniisip na nakikitira lang ako sayo ngayon. Pero kasi parating na sila ngayon, kaya sige na. Sorry na tsaka payagan mo nang magusap kami dito." Mahabang litanya ko sa kanya habang nakaluhod sa harap niya. Ewan ko na lang kung di pa ako patawarin ng lider ng mga kulto na to. Sobrang yurak na sa pride ko to ah.

Sasagot na sana siya ng biglang bumukas ang pinto at iniluwa noon sila Take at Nanjiro. Tsk. Wala na. Sira na image ko. Ibinalik ko nalang ang tingin ko kay Jansen na mukhang natigilan dahil nakita nila Take ang posisyon ko.

"Jansen." Malambing na tawag ko kay Jansen habang may nagmamakaawang ekspresyon sa mukha. Feeling ko ako si Puss in boots.

"Tss." Sabi na naman niya sabay nilagpasan lang ako. Waah. Dedma ang paawa epek ko.

Lugmok ang balikat kong tumayo mula sa pagkakaluhod at nakasimangot na hinarap sila Take at Nanjiro na naguguluhan sa mga nangyayari.

"Tara Nanjiro sa labas nalang tayo mag usap. Hayaan mo ng makita ako ng mga tauhan ni Hitomi." Malungkot na sabi ko kay Nanjiro na nakakunot ang noo.

"Huh? Akala ko ba dito tayo maguusap?" Naguguluhang tanong ni Nanjiro. Nilingon ko saglit si Jansen, nahuli kong nakatingin siya sa akin pero agad nag iwas ng tingin ng mapagtantong nakatingin ako sa kanya. Ibinalik ko nalang ulit tingin ko kay Nanjiro.

"Nakakahiya kasi sa may ari. Hindi ako nagpaalam na may papupuntahin ako dito." Malungkot paring sabi ko.

"Tss. Sige na dito na kayo mag usap." Sabi ni Jansen kaya napatingin ako sa kanya.

"Talaga? Ibig sabihin di kana galit sa akin?" Parang batang tanong ko sa kanya. Nagiwas lang siya ng tingin. Pagbalik ko ng tingin ko kila Nanjiro ay nakngiti na ako. Isang ngiti ng tagumpay. Wahahaha. Kinindatan ko lang silang dalawa.

"Kaw talaga." Naiiling na sabi ni Take habang marahang pinisil ang tungko ng ilong ko. Nginitian ko nalang siya.

"Tss. Talagang sa harap ko lang naglandian?" Parinig ni Nanjiro sa amin. Tinignan ko lang siya ng masama.

"To naman. Joke lang yun dear wife. May pag uusapan pa tayo diba? Tara pasok na tayo sa loob." Biglang bawi ni Nanjiro. Tss. Takot naman pala eh dami pa sinasabi. Narinig ko namang tumawa ng mahina si Take kaya napangiti nalang din ako ng bahagya.

WMAMTG (Unedited)Where stories live. Discover now