WAKAS

9.7K 232 26
                                    

Dalawang araw ang dumaan ay ipinagpatuloy ko ang aking pagtatrabaho sa bar. Hindi ko narin nakikita ang tatlo dito at malaki ang papasalamat ko. Sobrang wasak-wasak at pagod na pagod na ang puso ko dahil sa nangyari sakin. Dalawang bagay lang naman ang hinahangad ko sa mundong ito.

Pagmamahal at kumpletong pamilya!

Hindi ko alam kong saan ako magsisimula ulit kong hindi ko rin alam kong kailan matatapos ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Ang sakit na idinulot ng lahat ng taong nasa paligid ko ay unti-unti akong pinapahina.

Nawawalan na ako ng pag-asa na may magmamahal pa sakim ng totoo. Sobrang sakit lang dahil hindi iyon magawang ibigay sa totoo kong ama. Naiinggit ako kay Venus dahil mas nakakasama niya ng matagal ang si Mr. Francisco.

Pilit kong itinutulak ang sarili ko na mas mabuti nalang pala na hindi sya pinaglaban ni nanay. Dahil hindi sya karapat-dapat ipaglaban.

Sumulyap ako sa mga kaibigan ko. Sila ang nagpapasaya sakin araw-araw. Ang sakit at hapdi ng aking puso ay naiibsan dahil sa apat. Wala na akong maaasahan pa kundi ang sarili ko mismo. Kailangan kong mag papakatatag. Kailangan kong labanan ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Tumitig ako sa kisame saka nilibang ang sarili sa bawat sulok ng silid. Kailangan kong panindigan ang disesyon kong ito. Kailangan kong kapalan ang mukha ko. Simula bukas magbabago na ang takbo ng buhay ko.

Ipinikit ko ang aking mata at tuluyan na akong nakatulog. Maging sa pagtulog ko ay gumugulo parin sa isip ko ang disesyon kong ito. Walang mawawala sakin kong buong puso ko iyong tatanggapin.

Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nakabulagta pa ang apat sa kama at mukhang napagod din ito dahil sa marami-rami ang costumer kagabi. Dali-dali akong nagtungo sa banyo saka nagsimulang maligo. Pati sa pagligo ko ay hindi ko maiwasang matulala nalang. Ngayong araw na ito ay magbabago na ang buhay ko. Sigurado na ako at ayaw ko ng ibahin pa ang lahat ng plano ko. Pagkatapos kong maligo ay tumambad sakin ang apat na gising na.

"Goodmorning," Ngiti ko ng malapad isa-isa sa kanila kaya kumunot ang mga noo nito.

"Wow ang ganda yata ng mga ngiti mo ngayon ahh!" pang-aasar ni Grace saka niya ulit tinampal ang pwet ko.

"Oo nga mukhang may nag bago eh. Ang mga ngiting nanghuhumaling satin noon." Sambit ni Jessica kaya natawa ako. Umiling ako saka nagbihis narin.

"Maey inlove ka ulit?" Singit ni Ivony saka ako umiling sa sinabi niya. Gusto ko lang ngumiti sa araw na ito dahil ito na ang huli na iiyak pa ako. Ito narin ang una para simulan ko ang pagbabago ko.

"Pwede ko ba kayong anyayahan sa park? Gusto kong subukan laruin yung nilalaro nyo sa childrens park." Literal silang nagulat sa sinabi ko. Nagkatinginan silang apat at mukhang interesado ito.

"Bigla ka yatang naging interesado ngayon ah? Dati eh kahit anong pilit namin ay hindi ka sumasali sa laro." Kunot noo ni Grace kaya natahimik ako. Nagbuga ako ng hininga bago napa-upo sa kama.

"Gusto kong maranasang maging masaya ulit." Tanging nasagot ko kaya natahimik sila. Dahan-dahan silang lumapit sakin. Nagsimula ulit sumikip ang dibdib ko dahil sobrang napalapit na sila sakin.

"Sige pupunta tayo ngayon sa childrens park at maglalaro ulit kami kasama ka." Isa-isang lumapad ang ngiti nila. Nag eengganyo ako sa laro kaya interesado akong maging isip bata ulit. Hinintay ko silang matapos ayusin ang kanilang sarili bago kami nagtungo sa park. Sumakay kami ng tricycle papunta dun.

Sobrang sarap maging bata ulit. Ang mag slide sa high. Ang sumakay sa swing, ang maglaro ng dashboard at skate. Bawat ngiti ng apat ay mahahawa ka. Ang nasaktan kong damdamin ay unti-unting gumaan. Ang hampas ng hangin sa mukha ko ay nag papa-alala saking desisyon. Ang bawat patak ng aking pawis ay nagpapa-alala saking mga masasakit na nangyari. Pero ang mga ngiti ko ngayon ay nag papaalala sakin ng bagong buhay at pag-asa.

 The Virgin Mary [Edelbario Series#1]Where stories live. Discover now